Chapter 26- Confession

1.1K 47 18
                                    

WARNING: This Story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Ty.

Gray's P.O.V

''What if I am? Do I have the right to feel Jealous?'' Seryosong tingin ko sa kanya .

Hindi naman sya makapagsalita. Sya na ngayon ang nakatingin sa ibaba. Natatakot ba sya or what?

''Lessie?'' tawag ko sa pangalan nya.

Nakatingin pa kasi sya sa baba. Hinawakan ko ang mukha nyang nakatingin sa ibaba at itinaas ito.

''Gray, I like you.'' Seryosong sabi nya. Nabigla naman ako.

"I don't know why  I like you. There's no reason why  I feel like this. I'm jealous when Kiah is all around you. I hate it! I hate it when I don't see you, talk to you and even when you're hiding something from me. Can't you just be honest with me? Can't you just stay away from her? Can't you just love me?''  umiiyak na sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Sobra akong nabigla sa mga sinabi nya. Labis ang tuwa na umaapaw sa aking puso ngayon, pero labis din ang pait na nararamdaman ko ngayon.

Hindi pwede to.

Nakapagdesisyon na ako at hindi na yun magbabago pa. Para gusto ko lang piliin to flight for her. But, am I ready to see her hurting helplessly? Sh*t.  I can't. I can't sacrifice her life just to make us feel happy. I can't do that because of out of love. I need to free her so that she's safe.

Parang gusto kong umiyak ngayon pero hindi ko magawa. Ayaw kong makita nya akong umiiyak dahil baka pagtawanan nya lamang ako. Dahil ang kilala nyang Gray Wattson matapang hindi yun umiiyak.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit at ganoon din ang ginagawa nya para sa akin. I will missed this hug of yours Lessie.

''I love you.'' sobrang pait at tamis na bulong ko sa kanya.

''I love you too, Gray Wattson.'' sobrang tamis na sabi nya.

''Don't cry Babe.  I'm Always here for you no matter what happens. Hindi naman kita iiwan. Promise''

Biglang tumulo yung luha ko at agad ko naman itong pinunasan. Sobrang pait talaga ng nararamdaman ko ngayon. Parang tinutusok ang puso ko  sa bawat salitang sinasabi ko sa kanya.

Nagu-guilty ako kasi lahat ng mga  binitawang pangako ko ngayon  sa kanya ay para lang bulang manglalaho. Kahit na gustong-gusto ko kita makasama ay hindi ko na magagawa. Tama ang Lolo mo, the more na nandito ka sa akin, the more na malalagay ang buhay mo sa panganib.

Kailangan na kitang pakawalan pero sa mga oras na na'to pwede bang kailangan na muna kitang mahalin? Kahit ngayon lang? Sarili ko naman muna pwede? Kahit pagkatapos neto kusa na akong lalayo. Hindi sapat ang isang Linggo para maipakita ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

Pero wala na akong magagawa pa. Buo na ang pasya ako at kailangan ko na syang pakawalan pa. Sa loob ng isang Linggo na yun ipaparadamdam ko sa kanya kung paano magmahal ang isang Gray Wattson. Magiging masaya lang kami sa loob ng isang linggo at pagkatapos non, hindi ko na alam pa ang gagawin ko.

Kailangan ko tong' gawin para masabi ko sa sarili kong, kahit papaano hindi ako nagkamaling piliin ang desisyon na mas lalong magpapadurog sa puso ko.

''Promise?'' Kumawala sya sa yakap ko at pag pinky square kami.

Habang kinukuha nya ang kamay ko  mas lalong sumasakit ang dibdib ko. Lessie, kahit anong mangyari sayo pa rin ang bagsak ko. Ikaw lang ang mamahalin ko, kahit sobrang hirap to para sa akin.

Ngumiti ako sa kanya na para bang first time kong ngumiti sa tanang ng buhay ko. Ngayon ko lang ulit to nagawa, ang ngumiti ng sobra.

''Promise.'' mapait na sabi ko kahit na sobrang naka ngiti ako sa kanya ngayon. Niyakap ko ulit sya ng sobrang higpit.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now