Chapter 79-Let Go

87 3 0
                                    


3 DAYS LATER

Lessie's P.O.V

Ngayon ang araw kung saan ililibig na ang Lolo ko, tatlong araw na rin akong walang kain, walang tulog  at pagod na pagod na ako. Bumisita naman ang mga kaibigan ng Lolo ko pati na rin 'yung mga kasosyo nya sa negosyo nya.

Hindi na rin ako masyadong umiiyak kasi wala na atang mailuluha pa ang mga mata ko. Dinamayan naman ako ni Jeri, Darcy, Clark at Drey sa mga huling sandali ng Lolo ko.

Ililibing ang Lolo ko dun sa rest house nya na paborito nya. Sa Cavite 'yun, at talagang ba-biyahe pa kami patungo ron. Don kasi 'yung gusto nya, sinabe nya sa akin nung bata palang ako na kapag daw namatay sya ay dun sya ilibing. Ang daya lang na mas maaga syang kinuha ni Lord.

Nandito ako ngayon sa may tabi nya nakaupo, habang pinagmamasdan ang picture frame na litrato nyang sobrang ang saya-saya nya. Kinuha 'yun, nung nagbaksyon kami sa Boracay dahil birthday ko. Siguro nasa 10 years old ako nun. Sobrang saya namin nun, ang sarap-sarap ng vacation namin dun.

Ang nakakalungkot lang na hindi na ulit 'yun mauulit pa, kasi wala na sya. Mag-isa na lang talaga ako at 'yun ang magiging reality ng buhay ko.

Napangiti rin ako ng makita syang ngumiti, sana masaya kana dyan Lo, kahit ang hirap-hirap pa sa akin ng pagkawala mo. Ang hirap mong bitawan Lo, napakahirap.

"Lessie, aalis na tayo." Aniya ni Jeri. Tumango naman ako sa kanila.

Kinuha na nga nila si Lolo at inilagay sa sasakyan. 'Yung sa sasakyan ng patay. Isang oras ang biyahe para makarating ng rest house. Don na rin sya mimisahan ng pari.

Tumayo na ako at inayos ang suot ko. Iniabot naman nila sa akin 'yung picture frame nya. Kinuha 'yun at niyakap.

Kung naitatanong nyo, tatlong araw ko ng hindi kinakausap si Gray. Kahit na nadyan lang sya sa tabi, kahit palagi ko syang nakikita, hindi ko sya kinakausap. Sobra pa akong nasasaktan sa mga nangyayari, kailangan ko ng oras, kailangan ko ng panahon para makapag-isip.

Wala pa akong lakas ng loob na kausapin sya. Walang-wala pa dahil sa mga nangyari. Naglakad na kami papasok ng kotse ko, kasama ko naman 'yung dalawang gurls dito. Habang nakasunod naman sa likod namin 'yung kotse ni Gray.

Pareho kaming nasasaktan ngayon dahil sa kagagawan ng pamilya nya. Ang astig lang diba? Kami talaga 'yung nagsu-suffer na dalawa. Hindi ko naman na nakita si Martha sa buong lamay ng Lolo ko. Ayoko talaga syang makita, ibang klase 'yung ugali nya. Ang bastos!

Mabilis lang ang biyahe, habang kahit ano-ano na lang pumapasok sa isip ko ngayong wala na sya. Ang dami kong na-iisip na mga bagay na hindi ko na sya makakasama at makakapiling pa. Tulad ng gumala, mag shopping at 'yung palaging nya akong pinapagalitan. Mami-miss ko ang lahat ng iyon Lo.

Pagkarating namin ay agad naman syang minisanahan ng pari at tsaka ililibing na. Isa-isa kaming maglalagay ng roses sa libingan nya kung saan naroon na sya.

Doon ko na lang naramdaman na 'yung luha sa mga mata ko. Iyak ako ng iyak habang hinahagod ang likod ni Jeri at niyayakap ni Darcy. Wala eh, talo ako, talo pa rin ako. Palagi na lang akong talo! Kailan ba ako mananalo?

"Lo, I will miss you. Magkasama na kayo ngayon ni Lola, at ng magulang ko. Kung magkukwento ka naman sa kanila, 'yung maganda naman ah? Hindi 'yung negatives, para hindi naman sila mag worry at ma stressed sa kabilang buhay." Niyakap ko muna 'yung kabaong nya bago sya ilagay sa libingan nya.

"Lo, paalam na. Kahit mahirap, kahit sobrang hirap Lo, paalam na. Hindi ko pa kayang mag let go, pero gagawin ko na para sayo. Hinding-hindi kita malilimutan Lolo, magpakailanman." Tsaka naman nila ako hinila paalis don kasi nga ililibing na sya.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now