Chapter 39- Bye, Ashton Academy

432 18 0
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Hindi ako nakatulog, oh mas tamang sabihing hindi ako natulog. Pinilit kong matulog pero, hindi talaga ako makatulog. Tiningnan ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. It's already 4:39 in the Morning.

Nagpasya na akong ihanda ang mga gamit ko at isilid sa aking maleta. Mabilis ko lang 'yun ginagawa, kasi konti lang naman ang mga gamit ko. Natapos ako ng 5:08 ng umaga at agad na i-tinext si Lolo.

To: Lolo

"Lo, nasaan na kayo?"

---------------message sent--------------

Ang usapan namin ni Lolo ay bago mag 5:30 nandito na sya, kasi kapag  mga alas sais na kami ng unaga umalis, siguradong makikita kami nina Jerri. Maya-maya lang ay nag text na sya.

From: Lolo

"Nandito na ako sa labas, pumunta kana lang dito."

Nagreply naman kaagad ako.

To:Lolo

"Sige Lo, papunta na dyan."

---------------message sent--------------

Hinay-hinay akong naglakad bitbit ang maleta ko palabas ng dorm namin. Pero bago ako lumabas ng dorm namin ay inilagya ko muna 'yung  sulat sa lamesa at tiningnan isa-isa sina Jerri at Darcy sa huling pagkakataon. Mami-miss ko silang sobra.

Hindi ko mapigilang  hindi mapaiyak, kung kailan nakahanap na ako ng mga totoong kaibigan ko, tsaka naman ko sila iiwanan. Wala talagang permanent sa mundo. Pagkalabas ko ng Girls Dormitory, tiningnan ko muna ito tsaka na umalis. Sunod naman pinuntahan ko ay ang Boys Dormitory.

Buti wala pang mga tao ron, kasi madilim pa naman at saktong walang bantay. Agad akong tumungo sa dorm nila Gray. Pagkatunton ko sa dorm nila inilagay ko sa ilalim ng pinto 'yung sulat ko para sa kanila at tsaka ko iniwanan sa labas tung jacket ni Clark.

Sinabi ko naman sa sulat ko sa kanya na akin na lang 'yung jacket nya remembrance, kaso nakakahiya hahaha.  Pagkatapos ko ron tumalikod na ako at umalis. Naabutan ko naman sa labas ng gate si Lolo na naghihintay sa akin. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng sobrang higpit. Na-miss ko si Lolo, sobra.

"Oh?" Sabi nya tsaka ko sya niyakap.

"Okay na ba lahat?" Tanong nya. Tumango ako, hindi nya nakikitang nasasaktan ako, pero nararamdaman nya.

"Oho." Sagot ko.

"Sigurado kana ba talaga?" Seryosong sabi nya tsaka ako kumawala sa yakap nya. Hindi ko ma-explain kung bakit ako naluluha ngayon.

"Wala ng dahilan para mag stay pa ako rito, tsaka diba gusto nyo ng umalis ako rito? Oh? Heto na,  pero bakit parang sa tono ng pananalita nyo ay ayaw nyo na akong umalis?" Seryosong sabi ko habang umiiyak.

"Hindi naman sa ayaw kitang umalis dito, pero paano na 'yung mga kaibigan mo? Si Gray?" Tiningnan nya ako ng nag-aalala.

"Wala na kami ni Gray at ng dahil sa kanya, kaya ko 'to ginagawa Lolo. Kaya kung pwede lang sana, umalis na lang tayo at huwag na huwag nyo ng babanggitin ang pangalan na GRAY!" Inis na sabi ko sa kanya at tsaka pumasok sa kotse.

Agad naman na kinuha ng body guard ni Lolo 'yung maleta ko at isinilid sa likod ng kotse. Tumingin muna ako sa gate ng Ashton Academy sabay sabing, 

"Bye, Ashton Academy. Thank you for everything!"

Ang daming alala ang nabuo dahil sayo, ang dami kong hirap na natamo ng dahil sayo, ang daming luhang nasayang ng dahil sayo, maging ang buhay ko ay nalagay sa panganip. Pero hindi lang naman mga bad sides ang nangyari sa akin dito sayo, kundi may mga good sides rin.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now