Chapter 25- Choice

831 27 3
                                    


WARNING: This Story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Ty.

Gray's P.O.V

Nakailang ulit syang nagtatanong sa akin kung paano kami nagkakilala ng Lolo nya at kung anong pinagusapan namin. Hindi ko sya masagot dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka malaman nya yun. Yung secretong pilit itinatago sa kanya.

Kaya mas mabuti pang wala syang alam sa ngayon, ng sa ganon ay maging ligtas ka Lessie. Hinaplos ko ang pisngi nyang sobrang himbing na natutulog.

''Huwag mo akong iiwan kahit anong mangyari Lessie.'' napaiyak ako ng sabihin ko yun.

Hindi ko kayang mawala pa sya sa buhay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nagkakilala kami ng Lolo nya noong nabugbog sya nila Tanisha, ako mismo ang nagpunta sa Lolo nya para sabihing nabugbog sya. Sobra namang nagpapasalamat sa akin ang Lolo nya dahil sa tulong na nagawa ko sa kanya. Hindi pa alam ni Lessie na ako ang nagbigay ng dugo sa kanya para mabuhay pa uli sya.

Hindi nya yun alam at wala sana akong balak sabihin yun sa kanya pero wala akong magagawa. Yung pinag-usapan naman namin ng Lolo nya sobrang nakakalungkot at sobrang nakakadurog.

Flashbacks....

''Gray, alam kong mahal mo ang Apo ko pero kailangan mo na syang pakawalan. Hindi makabubuti yun sayo at sa kanya. Mapapahamak lang kayong dalawa kaya mas mabuting tapusin nyo na ang dapat tapusin. Ililipat ko na sya ng ibang Academy, pero hindi ko pa masabi sa kanya."

"Ayokong mabigla sya at alam ko naman na mahal na mahal ka nya at nagkakaroon na sya ng mga kaibigan sa Ashton. Pero, hindi sapat lahat ng yun. Hindi ko pwedeng hindi isa alang-alang ang buhay ng Apo ko. Alam mong sya na lang ang natitirang taong nagpapalakas sa akin, kaya sana tulungan mo akong kumbensihin sya.'' Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya ngayon at parang nawalan ako ng lakas.

Lakas para lumaban at lakas ng loob para ipaglaban ang hindi mali. Tama ang Lolo nya, kailangan ko na syang pakawalan. Dahil kung hindi ko sya papakawalan buhay nya ang malalagay sa panganip

Hindi ba pwedeng maging Selfish ako kahit ngayon lang? Handa naman akong bitawan lahat para sa kanya, pero bakit parang wala pa rin. Hindi ko talaga kayang mawala pa sya sa buhay ko. Mawawalan na ng saysay ang buhay ko at ang lahat lahat sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang umaga na hindi ko na sya makikita, makikita kung paano sya ngumiti, kung paano nya pa mainitin ang ulo ko at kung paano ang lahat lahat sa kanya. Hindi nya pa nga  ako iniiwan eh, sobrang sakit na. Paano na lang kung iwan nya na talaga ako? Hindi ko kaya!

''Nabalitan ako ang nangyaring pag kidnapped sa kanya Gray. Kung hindi mo sya naisalba siguradong wala na akong Apo ngayon. Salamat sa ginawa mong yun, pero sana isipin mo na baka sa susunod na may mangyaring masama sa kanya, baka buhay nya na ang kapalit. Kaya sana pag-isipan mong mabuti yan Gray."

"Kailangan mo ba syang pakawalan para sa kaligtasan nya o kailangan mo syang makitang nasasaktan habang patuloy kang lumalaban? Alam kong hindi madali ang pagdadaanan mo at lalong hindi madaling pumili, pero sana isipin mo kung anong mas makakabuti para sainyong dalawa. Irerespeto ko kung anong Choice ang pipiliin mo, dahil alam kong mahal na mahal mo sya, pero sana naman 'yung choice na yun ay 'yung ikakabuti nyong dalawa."

"Hihintayin ko ang sagot mo sa lalong madaling panahon. Ayokong mahuli ang lahat ng dahil sa pag-ibig. Ayokong i-sakripisyo ang Apo ko ng dahil sa pag-ibig. Kaya pag-isipan mo yang mabuti bago pa may mangyaring masama ulit sa kanya. Aware din akong tutol ang Ama mo sa namamagitan sainyo kaya piliin mo ang tama.Huwag kang magpapabulag sa pag-ibig na hindi talaga pwede. Alam kong masakit pero kaya mo yan.'' Hindi ako makahinga sa lahat ng mga sinabi nya.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now