Chapter 83- Left alone

91 4 0
                                    

GRAY'S P.O.V

Hindi ko napansing nakatulog na pala ako dala ng sobrang pagod at puyat dahil sa mga nangyayari. Hapon na ng ako'y nagising. Agad naman akong tumayo at tingnan kung okay lang ba si Lessie.

Alam ko kasing hindi sya okay, at hinding-hindi magiging okay. Time heals the wound, I know that it takes time to heal. I will wait for her, when she's now ready to comeback to me. Pero ayokong iwanan nya ako at hindi ko sya makikita. Kasi hindi ko kaya, promise.

Agad akong naglakad papunta sa kwarto nya pero laking gulat kong wala sya ron. Hindi nagalaw ang kama nya, sobrang linis at maayos netong tingnan. Nasaan kaya sya?

Nagsimula na tuloy akong mag panic, hinalughog ko ang buong rest house pero hindi ko sya nakita. Sobra akong nag-aalala na baka may nangyaring masama sa kanya.

"Fuck! Where are you, Lessie?" Mura ako ng mura ng hindi ko sya mahanap.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na parang matatanggal ito sa katawan ko. Nasaan na ba sya? Wala man sigurong nangyaring masama sa kanya diba?

"LESSIE!" sigaw ko habang hinahanap sya.

Naglalakad naman ako papunta sa puntod ng Lolo nya pero wala sya roon. Saan naman kaya sya nagpunta? Nababaliw ako kakahanap sa kanya pero hindi ko sya makita. Naubos ko na halughugin ang buong lupa ng rest house ng Lolo nya pero hindi ko sya mahanap.

Pumasok ako sa loob kasi maggagabi na. Baka nandon na sya. Agad akong pumasok sa kwarto nya pero laglag ang  panga kong wala sya. Tinawagan ko na si Clark, si Drey pati na rin ang mga kaibigan nya, pero hindi raw nila alam.

Wala naman daw pasabi kung aalis, kasi ang alam nila nasa rest house lang sya. Hindi naman daw tumawag sa kanila o nagbilin.

"Fuck!"

"Shit!"

"Dammit!"

"Where are you, Babe? I'm so worried!"

Nang tawagan ko naman 'yung cellphone  nya ay nag ring sa sala. Agad akong pumunta ron para tingnan kung na roon sya. Pero bigo ako, wala sya ron.

Nakita ko 'yung cellophone nya sa center table sa may sofa kung saan ako nakahiga. Dinampot ko 'yun at may nakatiklop na papel sa ilalim neto. Agad ko naman 'yung kinuha at kinakabahang binuksan iyon.

Dear, Gray, my love.

I'm sorry for being like this, I'm sorry for envalidating your feelings. I'm sorry for saying unforgivable words that strikes you. Pasensya, hindi ako kasing lakas at tapang mo. I'm writing this letter because I want us to be at peace. Gusto kong maging masaya tayong dalawa, malampasan natin kung ano man ang hamon ng buhay na kinakahap natin ngayong sakuna.

Alam ko mahirap 'yung pinagdaanan nating dalawa, pero hindi ko ikaw sinisisi kung bakit namatay ang pamilya ko, mas lalo na ang Lolo ko. Galit na galit lang talaga ako sa pamilya mo! Sa Ama mong Demonyo at sa kapatid mong Satanas.

I promise you, hindi kita sinisisi. Hindi ako galit sayo, pero ibang klase lang talaga 'yung na-fe-feel ko ngayon. I want to be alone. Gusto kong hanapin ang sarili ko ng hindi kita nakikita, kasi alam kong hindi tayo parehong dalawa makaka move on kung palagi natin nakikita ang isa't-isa.

Magu-guilty at magu-guilty ka kung palagi mo akong nakikita at nakakasama. Palagi kang masasaktan dahil dun. Alam kong mahirap ito, alam kong nasasaktan ka rin sa pagkamatay ng kapatid ko. Alam kong guilty ka kasi pinatay mo sya ng dahil sa akin.

Salamat dahil ginawa mo 'yun para iligtas ako, salamat kasi na dyan ka parati sa tabi ko kahit na ipinagtatabuyan na kita't lahat-lahat na. Pero nag stay ka pa rin sa akin.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now