Chapter 36- Sana'y Di na Lang

430 16 7
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Play this song while reading this.
"Sana'y Di na Lang by: Bandang Lapis

Lessie's P.O.V

"Lessie, let's talk." seryosong sabi nya habang hinihingal.

Tinanggal ko 'yung kamay nya sa braso ko at tumayo ng maayos. Nahihilo na talaga ako at sobrang sakit na ng ulo ko. Tumawa lang ako sa sinabi nya.

"Lessie let's talk?" Gago!

Ano namang pag-uusapan namin? Wala na kami at wala na akong PAKIALAM pa sa kanya! Magsama silang dalawa! Nagpapatawa 'tong Gray Wattson na'to. Hindi nya ako kilala, tapos ngayon kilala nya na ako? Wow!

"Nagpapatawa ka ba?" Tumatawang sabi ko. Napaseryoso naman 'yung mukha nya.

"No. I'm not! Hindi 'yun 'yung in-iisip mo."

And then? He's explaining? For what? Ang sakit non. Nakita ko kayong naghahalikan. Tapos hindi 'yun 'yung in-iisip mo? May sira na ata ulo neto?

"Alam mo, no need mo na 'yang sabihin sa akin. Dahil wala na tayo! Iniwan mo na ako at pinagpalit sa iba! Pinaglaruan mo lang ako! Alam mo Gray, sobrang sakit ng ginawa mo sa akin." Tapos tumawa ako.

" Ang buong akala ko ay babalik ka sa akin, pero ipinagtabuyan mo ako! Lagi mo akong sinasaktan,  at wala kang katapatang gawin 'yun sa akin!" Sigaw ko sa kanya tsaka sya dinuro-duro. Hindi ko mapigilan hindi umiyak.

"Sorry." malumanay na sabi nya.

"Aanuhin ko 'yang sorry mo! Wala kang kwenta!" Tsaka ko sya sinapak. Sobrang lakas ng sampal ko na 'yun at halatang-halata sa mukha nyang namula ito.

"Sana nung una palang hindi kana lumapit sa akin! Sana dapat hindi kana nagkagusto sa akin! Dapat hindi kana lang umamin! Dapat hindi mo na lang  ako iniligtas! Dapat hindi mo na lang ako pinaasa na mahal mo ako, kasi ako nagmahal ako! Minahal kita kasi alam kong mahal mo rin ako! Pero, anong sinabi mo sa akin?  Na niloko mo lang ako! Pinaniwalang mahal mo ako, kasi sa huli ang gusto mong gawin ay ang saktan ako!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Gustong-gusto ko syang saktan. Wala syang ginagawa kundi ang yumuko sa harapan ko.

"Sorry."

"Ano? Dapat masaya kana ngayon kasi nakikita mo na akong miserable! Nakikita mo na akong nasasaktan! Nakikita mo na akong nadudurog! Nakikita mo na akong wasak na wasak na! Dapat masaya kanaaa! Masaya kana na nagtagumpay kana! Na nasira mo na ako..., winasak mo na ako Gray! Dapat masaya kanaaa!"

Lumapit ako sa kanya habang pinapalo sya sa dibdib habang isinigaw yan. Nakayuko lang sya sa akin. Lumayo ako sa kanya at tinanggal 'yung mga kamay nya sa braso ko.

"Sorry"

"Hindi ko kailangan ng sorry mo! Alam mo, sanay hindi na lang kita nakilala! Sanay hindi na lang kita nakasama! sanay hindi na lang kita minahal! Nagsisisi akong minahal pa kita! Nagsisisi akong nagmahal ako ng isang katulad mo! Nadidiri ako sa sarili ko, pero mas nasusuka ako kapag nakikita kita. Kaya let's just end this. Don't ever find me! Don't ever think of me! Don't  ever love me! Don't ever show your face in front of me! Kasi hindi na kita mahal. Pinapalaya na kita Gray." Huminga naman ako malalim.

PUTANGINA ANG SAKIT!

"For the last time, nagsisisi ako sa lahat ng  mga ginawa natin, sa lahat ng memories na kasama kita! Nakakasuka! And let me give you a piece of advice. Get out of my life and  don't want to see you anymore! Goodbye, Gray Wattson. Let's not meet again." Tsaka ko sya iniwanan. Hinabol nya pa ako pero ipinagtabuyan ko sya.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now