Chapter 49- News about my ex.

395 9 3
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie’s P.O.V

Agad akong naglakad papuntang classroom ko ngayon. Ang daming nakatinging mga mata sa akin at agad naman nilang pinagchi-chizmisan.

Bullshit kayoooo!

Mamatay na kayoooo!

Bobo nyooooo!

Hindi ko lang sila pinansin at naglakad lang na walang pakialam. Hindi pa rin ako maka get over sa lahat ng nangyari ngayong araw. Ang malas-malas ko talaga! Lintek na malas yan!  Ni ayaw ko ngang malaman nilang nagging ex ko si Gray Wattson, tapos ngayon putok na putok na sa buong Trinity Academy.

Bullshit kasing Lucas yan! Bakit hindi nya na lang ako tantanan dyan! Ni wala naman syang mapapala sa akin! Ni katiting wala akong naramdaman at mararamdaman para sa kanya.

GAGOOO NYAAAA!

SHIT KA LUCASSS!

Agad kong tinahak ang hagdan hanggang sa mapunta na ako sa third floor. Hindi pa rin nila ako tinatantanan sa mga bulong-bulungan nilang yan. Kapag ako talaga na inis malilintikan ang mga yan! Binunggo ko na lang 'yung babaeng nasa harapan kong ayaw ako padaanin. Naghahanap siguro ng sakit ng katawan ito?

‘’What the F***?’’ mura nya sa akin. Lumingon ako at tsaka sya tinarayan.

‘’You’re blocking my way and that’s what you got Bullshit gurl!’’ mataray na sa sigaw ko sa kanya at agad naman nag-apoy ang mga mata nya.

Who cares diba? Kasalanan ko bang mabangga ko syang ayaw nya akong padaanin? She’s blocking the way idiot!

‘’Bullshit G-gurl?’’ pag-uulit nya sa pangalang sinabi ko sa kanya. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.

‘’Yeah and?’’ nanghahamon na sabi ko sa kanya.

‘’You, Bitch!’’ sigaw nya sa akin at agad syang lumapit sa akin para sabunutan ako at mabilis pa sa alas kwarto naman akong nakailag.

 Agad ko syang sinapak sa magkabilaang pisngi at sobra naman ang gulat nya, sa mabilis kong pagilag pagsapak sa kanya. Professional to Gurl! You don’t even now me!  Sobrang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya para mamula 'yung pisngi nya ng sobra.

*Pak *Pak

Napadaing sya ng sobra at hinawakan ang magpabilang pisngi nya. Tiningnan ko sya ng iinis at tsaka sya tinawanan.

‘’Next time, DON’T YOU DARE  BLOCKED MY WAY IF YOU DON’T WANT TO BE HURT AND ALSO DON’T FIGHT WITH ME IF YOU CANT WIN!’’ matalim na sabi ko sa tenga nya at tsaka sya mataray na tinalikuran.

Pagkarating ko sa pintuan ng room naming agad naman akong hinarang ni Irish. Ano  na naman bang problema ng bugok na'to? Tiningnan ko sya ng blanko at sumama naman ang mga titig nya sa akin. Mabuti nga 'yan sayo!

‘’Well, kaya pala hindi sinagot 'yung questions ko about kay Gray Wattson ay dahil ex nya pala ito!’’ tsaka nya ako itinulak.

Nagtimpi muna akong huwag makakipag-away ngayon dahil sobrang ang badtrip ko ngayong araw  at, kapag napuno ako, gulo na naman ito! Tiningnan ko ulit sya ng blanko.

‘’What’s with that look, BITCH?’’ inis na sigaw nya sa akin.

Hindi ko lang sya pinansin kasi wala na akong energy pa, naubos na ron sa bwisit na Lucas na 'yun. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao rito sa room, kala mo artistahin akong tao.

Hindi na rin ako nagtataka kung bakit alam  na ng bwisit na'to na ex ko si Gray Wattson. Dahil sa walang kwentang Lucas na yun! Nang dahil sa kanya nalaman ng lahat ng taong naging  ex ko ang animal na yun! Magsama-sama kayong lahat!

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now