CHAPTER 42- New school

386 14 0
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie's P.O.V

Hindi ako makatulog kagabi kakaisip ng mga sinabi sa akin Lolo. Tumatatak talaga sa isip at puso ko 'yung mga sinabi nya sa akin. Agad akong bumangon at naligo na. Panibagong araw, panibagong buhay at panibagong pag-asa.

Pag-asa sa mga taong kagaya ko na hindi maget over, over sa mga ex nila. Hindi naman talaga kasi 'yun madali. Masakit pa rin dito sa puso ko, sobrang sakit. Pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko muna kung may text si Gray, nagbabakasali akong may puwang pa rin ako sa puso nya.

Hirap mag let go ng tao, kung alam nyo lang. Umasa lang ako, walang text ni isa. Napabuntong-hininga na lang akong bumaba ng kwarto ko. Pagdating ko sa kusina nakahanda ng almusal at nakaupo na rin si Lolo.

"Ipapatawag na sana kita rito kay Rosa, buti naman bumaba kana." Kumakain ng sandwich na sabi nya. Tumango na lang ako sa kanya.

"Buti na pa aga ang gising ko." Sagot ko sa kanya tsaka ako umupo sa gilid nya.

Nasa gitna sya umupo ng mahabang mesa na'to, good for 10 people ang lamesa na'to, pero dalawa lang kaming kumakain. 'Yung mga maids namin ayaw nilang makisaling kumain dito, ewan ko kung bakit ayaw, siguro nahihiya pangmayaman eh. Di joke lang hahaha.

"Kumain kana dyan." Tumango na lang ako.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako ginaganahang kumain. Gusto ko lang tubig ang iniinom ko. Kumuha ako ng isang sandwich at hinati 'yun sa dalawa at sinimulang kainin. 'Yung kalahati nya ay inilagay ko ulit sa platong pinaglagyan nya.

Kumagat ako ng konti at hindi ko agad nasarapan ang lasa. To be honest ang arti ko sa pagkain, kapag hindi ko bet ang lasa, hindi ko na kinakain pa. Agad kong inilagay sa plato ko 'yung sandwich at hindi na 'yun ginalaw pa.

Nagsalin na lang ako ng fresh milk sa baso ko at ininom 'yun. Patuloy lang sa pagkain si Lolo. Lakas ng appetite nya. Tumingin sya sa akin ng matalim. Bakit naman kaya ganyan sya makatingin? hmm..

"Oh? Bakit?" Inis na tanong ko.

"Kumain ka nga dyan. Ang payat-payat mo na Lessie." Seryosong sabi nya. Tinarayan ko lang sya.

"Wala ako ganang kumain." Walang pakialam na sagot ko.

"Huwag mong pahirapan ang sarili mo, tulad ng Mama mo!" Sermon nya sa akin. Hindi ko lang sya pinansin at ininom lang 'yung fresh milk na hawak ko.

"Okay, okay. Talo na ako." Mahinahong sabi nya. Palagi ka naman talagang talo Lolo.

"Nakalimutan kong hindi ka nga pala sumusunod at nakikinig sa akin. Pero huwag ka lang magkakasakit dyan dahil hindi kita babantayan!" Seryosong sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya sa sobrang pagkabigla. Ipinagtatabuyan nya na ang nag-iisang Apo nya?

How dare you Lolo!

"Bago yun ah? HAHAHHAA" sabay tawa.

Lahat ng sinasabi ni Lolo sa akin hindi ko seni-seryoso kasi alam kong hindi nya naman ako matitiis haha.

"Bahala ka dyan! Subukan mo lang talagang magkasakit, iiwanan kita." Inis na sabi nya.

"Okay." Tumatawang sabi ko.

Nakakatuwa 'yung mukha nya, namumula na sa galit, pero 'tong Apo nya pinagtatawanan lang sya. Mukhang may saltik ang amp hahaha

"Tumigil kana dyan, ah?" Inis na sabi nya.

"Okay. Okay." Sabi ko at matamang tiningnan lang sya.

"Sya nga pala, heto 'yung bagong Academy mong lilipatan. Pangilan mo na'to Lessie, kaya nagtino kana!"

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now