CHAPTER 14- Five-minute Hug

2.7K 79 3
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

LESSIE'S P.O.V

Agad akong napabalikwas ng bangon ng maramdaman kong may humawak ng mukha ko. Agad kong kinalabit 'yung kamay nya at babaliin sana ito. Pero mabilis nyang nakuha 'yung kamay nya. Nakapikit ako habang ginagawa ko 'yun kaya hindi ko makita kung sino :yun. Pagbukas ko ng mata ko si GRAY.

''Gray?'' gulat na sabi ko.

''Ako nga. Grabe kahit pala tulog ka alert na alert ka pa rin sa paligid mo.'' nakangiting sabi nya. Nakahinga naman ako ng maayos, akala ko naman kung ano na. Sya lang pala.

Hays, nanggugulat kasi...

''Syempre.'' proud na  sagot ko.

Nakaupo sya ngayon sa kama at talagang pinagmamasdan nya talaga akong matulog ngayon. Sobrang nakakahiya talaga. Ang pangit ko kaya matulog. Huhuhu. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Baka may laway ako sa mukha, kung oo naman sobrang nakakahiya yun. Pasimple kong pinunasan yung mukha ko pero wala naman akong laway. Kaya naman nakahinga ako ng maayos.

Salamat naman sa Diyos!

''Oh? bakit ka umiiwas?'' tanong nya. Pero hindi ako nagsalita.

''Dahil ba sa pinagmamasdan kita habang natutulog ka?'' tanong nya.

Ano pa nga ba? Syempre OO. Lessie, relax lang. Kailan ka pa naging ganyan. Relax lang, Lessie. Huhuhu.

''Hindi ah!'' matatag na sabi ko at agad akong humarap sa kanya.

''Eh, ano nga?'' mapilit na sabi nya.

''Wala nga.'' seryosong sabi ko.

Kaya naman hindi na sya nagtanong pa dahil nakikita nyang naba-badtrip na agad ako sa kanya. Ganyan nga Lessie, ganyan na ganyan nga. Para tumigil na sya. Mas superior ka sa kanya baka natatandaan mo.

''Oki.'' sabi nya at agad syang tumayo sa pagkakaupo sa kama.

Hala, ano bang ginawa mo Lessie? Baka nagalit na yun? Ikaw naman kasi eh.. Tumayo naman ako sa kama at sinundan sya papuntang kusina. Pero pagdating ko doon wala sya. Nasaan naman kaya 'yun? Inilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng kusina pero wala sya.

Nasaan na sya?

Iniwan nya na ba agad ako?

Ang bilis naman ha?

Napakurap na lang ako ng biglang may yumakap sa likod ko. Sasapakin ko na sana 'yun pero agad itong nagsalita.

''Kahit 5 minutes lang.'' sabi nya.

Hindi naman ako makagalaw dahil parang namanhid yung katawan ko paglapat ng katawan nya sa akin. Hindi ko alam pero parang may kuryenteng tumutusok sa bawat sulok ng katawan ko.

Kung hindi ko 'yun napigilan baka sumasayaw na ako ngayon dahil doon. Ipinatong nya yung ulo nya sa balikat ko at amoy na amoy ko ang pabango nya. Sobrang ang bango-bango nya. Dumadaplis naman sa pisngi ko yung basa nyang buhok na sobrang ang bango-bango.

Nabubuang na ba ako?

Somebody help meeee!

Ang aga-aga pa naman pero nakaligo na agad sya. Ano na bang oras? Agad kong tiningnan yung relo ko at napagtantong 5 A.M na pala ng umaga. Agad akong inalis 'yung katawan ko sa pagkakayakap nya. Nabigla naman sya.

''Bakit? May problema ba?'' tanong nya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Iniiwas ko naman 'yung mata ko at tsaka ulit tiningnan 'yung mga mata nya. Hindi ko kasi kayang makipag eyes to eyes sa kanya. Baka kasi mahulog tong puso ko sa kanya. Mahirap na, baka masaktan ko lang sya tulad ng nangyari sa kanila ni Kiah. Ayaw kong makapanakit ng tao Gray.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now