CHAPTER 15- Secret

2.4K 85 5
                                    


Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

LESSIE'S P.O.V

Nandito kami ngayon sa Dorm namin habang kumakain ng Dinner. Hindi na kami lumabas pa dahil gabi na. Kailangan naming mag-ingat dahil nasa paligid lang ang peligro. Nasa hapag kami habang nanonood pa rin sila ng KDRAMANG THE HEIRS. Pati rin ako nanonood na rin at nakikisabay na rin sa kanila.

Maya-maya pa ay bigla na lang silang napapahikbi ng biglang aalis na si Julia at iiwan na si Ryan Kim. Si Ryan naman ay hindi nya alam na aalis na pala si Julia. Dinala nya pa nga si Julia sa isang Apartment na malayo sa Daddy nya, dahil hindi tanggap ng Ama ni Ryan na maging kasintahan nya si Julia.

Ang alam doon ni Ryan ay hindi na sila masusundan pa ng kanilang Ama. Bago umalis si Ryan ay niyakap nya pa si Julia bago sya umalis ng Apartment. Habang nasa labas na sya ng pinto ay ngumingiti pa sa kanya si Julia. Labis ang tuwa sa mukha ni Ryan habang pagkaalis nya ng Apartment ay doon na bumuhos yung iyak ni Julia.

Kinausap si Julia ng Ama ni Ryan na lubayan na si Ryan at bibigyan sya nito ng pera at susundin lahat ng gusto nito, babayaran rin lahat ng utang nila. Walang choice si Julia kundi ang tanggapin ito. Kahit na labag sa kalooban ni Julia na tanggapin ito dahil mahal na mahal nya si Ryan, ay wala syang magawa.

Dahil hindi pareho ang antas ng pamumuhay nila. Mayaman ang lalaki at sya ay mahirap na anak ng isang piping katulong sa Mansyon nila Ryan. Pagdating sa Stock Holder meeting ni Ryan kasama ang Ama nya ay masayang-masaya sya.

Pagkatapos ng Meeting ay napatalsik bilang President ang Kuya nyang si Don. Nagalit sya sa Dad nya at kinausap ito. Sinabi rin ng Dad nya na pareho lang silang dalawa, dahil wala na 'yung babaeng mahal na mahal nya pag-uwi nya.

Agad na tumakbo si Ryan mapunta doon at pagdating nya nga doon ay wala na si Julia. Umiyak sya ng umiyak habang tinatawag ang pangalan ni Julia. Hinanap nya talaga si Julia at hindi sya tumigil sa paghahanap. Araw, gabi nyang hawak ang Cellphone nya at lahat ng number tinatawagan nya.

Pero hindi nya mahanap si Julia. Simula noon ay naging wala ng silbi ang buhay nya. Palagi syang nagwawala, nakikipag away at nagbalik na naman sya sa dati na gumagamit ng Drugs. Naging walang saysay ang buhay. Muntik na rin akong maiyak dahil tagos talaga sa puso yung nangyari sa kanya.

Iba talaga ang nagagawa ng love sa isang tao. Iyak lang ng iyak tong dalawang to habang hindi na maisubo 'yung pagkain sa bibig nila. Mauubos na rin ni Jerri yung isang bilog na tissue kakasingot at kakaiyak at ganoon din si Darcy.

Iniisip ko ngayon, magiging ganyan rin ba ang takbo ng Love story namin ni Gray kung sakaling maging kami? Yan ang unang pumasok sa isip ko ngayon. Sana naman ay hindi.

''Huhuhu'' hagulgol ni Jerri.

Agad naman akong lumapit sa kanya at tinapik-tapik 'yung likod nya. Ganito ba talaga sila? Kapag nanonood ng KRDAMA umiiyak? Kung sabagay ganoon rin ang mangyayari sa akin kung talagang isasapuso ko talaga 'yung nangyari sa palabas.

''Bakit kasi ganon?"' umiiyak na sigaw ni Jerri.

''Sshhh.'' ako.

''Áng sakit-sakit dito.'' turo nya pa sa puso nya.

''Okay lang yan.'' habang tinatapik yung likod nya.

''Bakit naman kasi ganon?'' si Darcy naman. Bigla kong pause 'yung pinapanood nila. Agad naman nila akong tiningnan ng masama.

''Bakit mo pinause?'' si Darcy.

''Kumain na muna kayo. Alam nyo namang bawal na pinaghihintay ang pagkain diba? Values Ed. Jerri.'' nakangiting sabi ko sa kanila habang iwinawagayway yung remote.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now