Chapter 50- The Call

676 25 34
                                    

Warning: This story contains of Grammatical and Typographical Errors. Please be aware. Thank you!

Lessie’s P.O.V

Ang aga kong nagising ngayon kaya agad na akong naligo, nagbihis at bumaba na. Pagdating ko ron sa kusina, wala si Lolo. Nasaan kaya sya?

‘’Manang, nasaan si Lolo?’’ tanong ko habang nagsasalin ng fresh milk.

‘’Hindi ko po alam Maam Lessie, hindi ho sya umuwi kagabi. Nagbilin naman ho 'yun na may aasikasuhin daw syang importante.’’ Sagot nya.

Si Lolo, nasaan na kaya sya? Sobrang nag-aalala ako sa kanya ngayon, saan naman kaya nagsusuot ang matandang 'yun? Naku Lolo, aatakihin ako neto sa puso eh.

‘’Sige’’ sabi ko sa kanya at umalis na sya.

Ininom ko lang 'yung fresh milk at kinuha 'yung cellphone ko para tawagan sya. Wala naman atang nangyari sa kanyang masama sa kanya? Kung meron talaga malilintikan 'yung  matandang 'yun sa akin.

Tinawagan ko 'yung number  nya at hindi sya sumasagot, busy daw ang linya. Kainis naman! Inis akong naglakad papunta sa labas ng mansion at agad na sumakay sa kotse.

‘’Manong, alam nyo ba kung saan nagpunta si Lolo?’’ seryosong tanong ko sa driver ko. Umiling naman agad sya.

‘’Hindi ho Maam, eh’’ sagot nya. Saan naman kaya nagsusuot ang Lolo kong 'yun? Hmm...

Mabilis kaming nakarating ng Trinity Academy, agad akong bumaba sa kotse at sinabihan 'yung Driver na,

‘’Kapag Manong nagpasundo o tumawag sayo si Lolo, pakitawagan mo ko, salamat.’’ tumango naman sya.

‘’Makakaasa ho kayo Maam.’’ Tumango ako sa kanya at tiningnan na lang na mawala yung kotse sa harapan ko.

Naglakad na ako papunta sa Classroom ko at hindi ko nakita si Lucas. Hindi na naman sya pumasok? Mabuti nga naman, ayaw kong makita ang pagmumukha nya!

Agad akong dumaretso sa upuan ko at nahiga sa lamesa ko. Maya-maya lang ay nandyan na 'yung Prof, wala akong ibang ginagawa kundi kung tumunganga sa harapan, at isipin kung nasaan ang napakapasaway kong Lolo. Nasaan na kayo ang pasaway na 'yun?

Maya-maya lang ay nabigyan na lang sya ng activity dahil may meeting daw sila. Wala sa hulog na gumawa ako ng activity nya at natulog. Maya-maya lang ay next subj na kami, ganoon din ang ginawa nya hanggang sa mag lunch na.

Agad akong bumaba at  pumunta sa Cafeteria para magorder ng tubig. Wala akong ganang kumain ngayon dahil sobrang nag-aalala ako kay Lolo. Nasaan na kaya ang pasaway kong Lolo? Nung ako ang sunod sinabi ko water.

‘’Water, Pls.’’

‘’Okay, Maam.’’ Maya maya lang nandyan na 'yung tubig ko agad akong nagbayad at tumunog naman ang cellphone ko.

Pagtingin ko si Manong pala. Agad ko 'yung sinagot habang palabas ako ng Cafeteria.

‘’Hello?’’

‘’Maam, umuwi na ho ang Lolo nyo.’’ Agad na balita sa akin  ni Manong.

‘’Sige ho, pauwi na ako.‘’ patakbo akong lumabas ng Trinity Academy at wala sa hulog na nagpara ng taxi. Kahit na ayokong mag taxi, wala akong magagawa.

‘’Sa Hillsborg ho.’’ Agad na sabi ko sa driver.

Matagal bago ako nakarating ng  bahay kasi sobrang traffic. Pagdating ko sa mansion agad akong natungo sa loob at nakita kong naka upo si Lolo sa sofa, habang masayang-masayang nanonood ng T.V. Agad akong lumapit sa kanya at pinalo sya sa balikat.

Ashton Academy  School Of Mafia Where stories live. Discover now