30: I'm fine

30.5K 1.1K 89
                                    

Chapter Song: Shadow by f(x)

Natigil ako sa pag-iyak dahil naisip kong mauubusan talaga ako ng hangin kapag umiyak pa ako. Mas dapat kong paganahin ang utak ko kesa sa emosyon ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas na andito ako. Kapag naiisip kong binaon ako ng buhay ay hindi ako makapaniwala e. Parang panaginip lang talaga to. Dad. Ano ba tong napapasukan ko.

Bumuntong hininga ako. Ayaw magana ng utak ko kaya tumunga-nga ako lang ako. Para bang hinihintay ko na lang na makarinig ng pagkahukay at iligtas ako.

Pero nabuhayan talaga ako ng loob nang makarinig nga ako ng parang may naghuhukay. Gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko magawa. Wala na akong hangin sa sistema ko para magsalita.

Hinintay ko na lang talaga na buksan tong kabaong. Humugot ako ng malalim na hininga nang mabuksan tong kabaong.

Una kong nakita ang mga bituin sa langit. Malalim na  malalim na siguro ang gabi.

"Queen,"

Sunod kong nakita ang mga boys looking down at me.

"Sorry we're late," pahayag ni Shownu.

Agad na bumaba sa Kihyun sa pwesto ko. Para akong statwa ngayon. Hindi ako kasi ako nagbibigay ng reaskyon. Tinitingnan ko lang sila.

Binuhat ako ni Kihyun.

"You're safe now," he said.

Alam ko.

Umalis kami sa lugar na yun. Pinasadahan ko ng tingin ang mga boys. Lahat sila ay may mga pasa at sugat sa mukha nila.

"Nasaan na si Hyungwon?," tanong ni Kihyun. Pansin kong sya lang ang wala dito.

"He's not done with the Burlington," saad ni Minhyuk.

"Ngayon ko lang nakita ang Sleeping Prince natin na manggulpi ng ganon. He almost killed one of them," pahayag ni Jooheon.

Ibinaba ako ni Kihyun. He cupped my face. Alalang-alala ang mukha nya.

"Sinaktan ka nila," aniya at naramdaman ko nga na medyo mahapdi ang labi ko. Dahil siguro to sa pagsampal sakin kanina.

"Miesza told us about this. We're sorry Queen," saad ni Shownu. Umiling ako.

These boys. Why they're saying sorry to me? Ako nga dapat ang magsorry dahil mukhang napasabak sila sa suntukan.

Naramdaman ko na lang ang yakap ni Kihyun sakin. Niyakap ko rin sya pabalik. Thank you guys. Thank you.

Umalis kami sa lugar na yun at bumalik sa Camp Deli. Naabutan naming balisa si Miesza sa kwarto ko.

Nilapitan nya kaagad ako.

"Are you out of your mind?!," singhal nya na ikinagulat ko.

"Stop that Miesza," sita ni I.M sakanya.

Hindi nya pinansin si I.M dahil nakatingin sya sakin.

"Bakit mo ginawa yun! Paano kung may nangyari sayo tapos magkakaroon ako ng utang sayong babae ka! Hindi ka man lang ba nag-iisip na baka ako na naman ang pagbintangan ng lecheng pangyayaring to! Napapagod na akong mag-explain! Paulit-ulit na lang ako pero wala namang naniniwala!," after saying that. Umiyak sya. Tapos nag walk out.

Sinundan ko sya ng tingin saka napunta kay Minhyuk ang tingin ko. Sumenyas akong sundan nya si Miesza at ginawa nya nga iyon.

"Hayaan mo na sya. You need to rest. Bukas mismo babalik na tayo sa academy," saad ni Kihyun.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon