Prologue

146K 2.8K 247
                                    

MONSTA ❌ ACADEMY
  jareditsme


Song: I will find you by Zedd

Prologue


Nakarinig ako ng pagkatok at alam ko kung sino yun pero hindi ko itinigil ang paglalagay ng mga gamit sa maleta ko. Hanggang sa bumukas ang pinto at kita ko sa gilid ng mga mata ko si Mommy Rose.

"Mozy, are you sure about this?," pinasadahan ko sya ng tingin.

Dahan-dahan naman akong tumango.

"I can't live here anymore mom. I'm no longer part of this family. You have your new---,"

"Don't say that," hinawakan ako ni Mommy Rose at pinaharap sakanya.

"You're still my daughter," hindi ko sya tiningnan. Naramdaman ko naman ang mahigpit nyang yakap sakin.

"Please mom. Don't make this hard for me. This is the best. I'll start my new life with dad," mas lalo pang humigpit ang yakap nya sakin.

"I'm sorry Mozy,"

Hinayaan ko syang yakapin ako sa huling pagkakataon dahil anumang oras ay darating na si dad para sunduin ako.

"Don't worry about me mom. Hindi ako pababayaan ni dad at masaya ako para sayo," I assure her.

Tinulungan na nya ako sa pag-iimpake at natapos ako saka saktong dumating si dad.

Sinamahan ako ni mom palabas ng kwarto ko at dala-dala ko ng ang mga bagahe ko.

"I'll miss you sweetheart," hinalikan nya ako sa noo bago pakawalan.

Lumapit naman ako kay dad at isang yakap ang sinalubong nya sakin.

Nang kumalas kami sa isa't-isa ay pinanood ko ang mga magulang kong tingnan ang isa't-isa.

Napangiti ako ng mapait dahil alam kong mahal pa ni dad si mom pero huli na dahil bagong kasal na si mom kay Mr. Arnold.

And speaking of him. Lumabas na rin sya at pumunta samin. Nakita ko ang paghawak nya sa kamay ni mom ng mahigpit.

Nangyayari talaga siguro to. Katulad kay mommy at kay dad. Bakit nga ba di na ako nasanay. Dalawang beses na Mozy.

"Let's go dad?," I broke the silence.

"Okay sweetheart," sagot ni dad at pinasok na ang mga bagahe ko sa sasakyan.

"Mozy," tawag ni mom.

Muli nya akong niyakap. I hate this situation but this is the best.

"Magiging okay din kami Rose,"
tiningnan ko si dad.

"Mamimiss ka namin Mozy," nginitian ko si Mr. Arnold bilang respeto. Mabait naman din sya kaya di na ako tumutol. Sino ba ako para pigilan ang bagong simula sa buhay ni Mommy Rose.

"Aalis na kami mom," I said at pumasok na ng tuluyan sa sasakyan. Nakakatakot ang pananatili dito at baka piliin ko si mom kesa kay dad pero masyado ng maraming ginawa si Mommy Rose para samin at oras na para tumayo kami ni dad sa mga sariling paa namin.

Pinanood ko ang pagyayakapan ng mga magulang ko sa huling pagkakataon. Alam kong maaaring maging huling yakap na yun dahil malayo ang pupuntahan namin ni dad.

Matapos ang tagpong iyon ay pumasok na si dad sa sasakyan at nagseatbelt na rin ako.

Kumaway ako kay mom nang umandar na ang sasakyan at tuluyan na kaming umalis.

"You're still in love with her," sabi ko. Pinasadahan ako ng tingin ni dad.

Tumango sya.

"But it's too late sweetheart," bumuntong hininga ako. Nasasayangan ako.

"Don't stress yourself. Hindi ka ba excited sa bago mong skwelahan?," nagkibit-balikat ako.

Hindi ko alam kung dapat nga ba akong maexcite o ano.

"Ano nga pala yung pangalan ng academy na yun dad?," nakalimutan ko kasi.

"Ilang beses ko na yang nasabi sayo pero hindi mo parin matandaan? May dementia ka ba anak?," tinawanan ako ni dad.

Bumusangot ako.

"Grabe ka naman dad. I'm just asking dahil nakalimutan ko na," tinatawanan parin ako ni dad.

"Monsta X Academy," ani ni dad.

Tiningnan ko sya. Ang weird ng name. Pero mukhang dapat nga akong maexcite.
New environment for the girl who lost her family. Twice.

"Mukhang dapat nga akong maging excited dad, can't wait to be there," saad ko.

----

List of Characters

Name: Hyungwon (Hyung-won) Elizandré

Name: Minhyuk (Min-hyuk) Trejos

Name: Kihyun (Ki-Hyun) Albranxas

Name: Shownu (Show-nu) Vuenas

Name: Chang-kyun a.k.a I.M. Preston

Name: Wonho (Won-ho) Kriston

Name: Jooheon (Joo-heon) Grazeldo

Name: Mozy Montgomory

Use the hashtag #MXA and #MonstaXAcademy para mabasa ko ang feedbacks nyo sa fb and twitter 💕

-Jareditsme

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now