11: Hadley

21.4K 717 136
                                    

Ch.11. Pt.1~Alaska

Chapter Song: You're Mine by Vixx ft. Minah

“Hindi na ba magbabago ang isip nyo?,”-Miesza.

“Tumigil ka Miesza. Manatili na lang tayo dito,” sagot ko. Hinimas himas ko naman si Cutie na nakaupo sa lap ko. Ang bigat na. Ano bang pinapakain ni Hyungwon dito?

“Manood na lang tayo ng movies. Madami ako sa laptop ko. Saka may mga pagkain naman,”-Mozy na ino-on ang laptop nya.

“Isarado mo na lang yang mga bintana Miesza para hindi pumasok ang ingay galing sa ball dito sa kwarto natin,” utos ko. Padabog syang tumungo sa mga bintana.

Hindi talaga kami pwede tumakas. Andun si Ally at makikita nya kami. Kahit naman kilala nya kami ay hindi nya daw pwedeng pabayaan lang ang ginawa naming pagtakas. Ewan. Hindi na kami pinagsalita ni Ally eh. Disappointed talaga sya samin. Napapaisip tuloy kami kung ano ang sinabi ni George. Anyway. Yun na nga ang plano naming tatlo. Ang magmovie marathon at alisin sa isipan ang tungkol sa on-going ball.

“Anong gusto nyo?,” tanong ni Mozy na pinakita ang listahan ng movies nya.

Lumapit si Miesza para pumili rin.

“500 days of Summer,” sabi ko. Napanood ko na yan pero gusto kong ulit-ulitin dahil favorite movie ko talaga yan.

“Camp Sawi na lang,” tiningnan ko si Miesza.

“May pinaghuhugutan ka talaga Miesza?,” tanong ko. She flips her hair. Mannerism ng babaeng to.

“Yang Train to Busan na lang, ayaw nyo naman sa Camp Sawi dahil hindi naman kayo makakarelate, hindi tulad ko,” sabi nya.

“O sha! Camp Sawi na ang panoorin natin!,” sabi ko. Nagbunyi naman sya. Baka kasi magdrama pa sya at sabihing hindi kami supportive friend ni Mozy.

“May speaker ka ba Mozy? Para feel na feel natin ang movie,”-Miesza.

Tumayo naman si Mozy para kumuha ng nirequest ni Miesza. Naglabas din si Mozy ng mga biscuits at kung anu-ano pa. Hindi na ako nagtataka kung bakit tinawag syang Biscuit ni Hyungwon. Ang hilig nya sa mga yun eh.

Naglagay kami ng tatlong comforter sa sahig at kinuha namin ang mga unan namin. Inayos naman ni Mozy ang laptop nya at speaker. Nilapag ko naman si Cutie sa kama dahil tulog na.

Binuksan ko yung Richeese na paborito ni Mozy. Walang araw ata na hindi sya kumakain neto. Pero masarap naman kasi. Try nyo 😛.

“Nakakasilaw yang singsing mo Mozy,”-Miesza. Sang-ayon naman ako sa sinabi nyang iyon. Grabe.

“Ang bitter ng dating nun Miesza. Stop eating ampalaya please,” inirapan nya ako. Tinawanan lang namin sya ni Mozy.

“Wala ako sa mood Alaska. Huwag mo kong pagtripan,” sabi nya at tumabi na sakin.

Matapos ang kalikutin ni Mozy ang lahat ay tumabi na sya kay Miesza. Bago pa magsimula ang movie marathon namin ay nagpicture muna kami. May dala akong polaroid eh. Gagamitin ko sana ngayong gabi para sa ball. Kainis.

Pinahawakan ko kay Miesza ang lumabas na picture.

“Tagal naman,” reklamo nya habang pinapaypay ang picture.

“Patience is a virtue Miesza,” saad ko.

“Yeah whatever,” sabi nya at muling tiningnan ang picture na ngayon ay kita na ang mga mukha namin.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now