7: Partners

46.9K 1.6K 43
                                    

Chapter Song: Roller Coaster by Monsta X

After that scene ay nagpaalam ako sakanila saka pumasok na ako sa pinakauna kong klase (at kabado talaga ako) at kagaya sa Dining Hall ay hindi ako tinantanan ng mga tingin ng mga magiging kaklase ko. Ano bang meron ang panay sila sa pagbubulungan? Halata kasi na mukhang 'ako' talaga ang pinag-uusapan nila.

But then again, I didn't mind it at naupo ako sa pinakalikod. Kung sana ay kaklase ko si Wonho dito, atleast kasi ay may magiging kausap ako. Pero hindi rin sigurong maganda ang makasabay ko ang isa sa kanila ngayon. Ewan ko ba. Naninibago talaga ako sa sitwasyon.

Napirmi ang tingin ko sa cellphone ko at doon ko na lang tinuon ang atensyon ko para iwas gulo.

I texted dad kahit na imposibleng makatanggap ako ng sagot. Itinago ko rin naman ang phone ko dahil narinig ko na ang first bell at maya-maya ay may pumasok na isang lalaking na satingin ko ay nasa mga 25 to 29 ang edad. May dala-dalang class record (I assume) at mukhang mabait naman dahil sa maamong mukha nito.

Huminga ako ng malalim dahil kabado ako. Being a transferee really suck. Para kang alien sa isang planeta. Naiiba at pinag-uusapan.

Pinasadahan ko ng tingin ang classroom. Lahat ata ay magkakilala, pwera na lang sakin (dahil nga transferee ka Mozy).

Magsasalita na sana ang teacher namin nang may pumasok. Bigla namang nag-ingay sa hindi ko malaman na dahilan.

Ganito ba talaga ka sikat si Hyungwon at pati ang pagpasok nya ng late ay kinikilig sila? May kasama kasing tili akong naririnig. Pero, ibigsabihin nito ay kaklase ko sya dito? Damn.

Natigilan naman ako nang napunta sakin ang mga tingin nila. Now what?

"Biscuit usog,"

Gulat kong tinignan si Hyungwon na ang neat din tingnan kagaya ng mga kaibigan nya.

Wait Mozy. Kinakausap ka nya. Nasa harap mo ang Sleeping Pills. Stop fantasizing his appearance.

"Umupo ka na lang sa iba,"rinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Para bang big deal ang sagot ko na yun. At mas lalo tuloy naging masama ang tingin nila sakin. Kainin na sana ako ng lupa ngayon na.

"Nope," sagot nya at tiningnan ko syang maupo sa tabi ko. Nasa isip ko lang kanina na hindi maganda ang maging kaklase ko ang isa sa kanila at heto na si Hyungwon.

Mas lalo pa tuloy nagwala ang mga kaklase ko, lalo na ang mga babae sa ginawa nya. Tsss. Pinapahamak ako ni Hyungwon!

"Okay. That's enough class," saway ng teacher namin na mukhang hindi naman galit sa ginawang eksena ni Hyungwon.

Pinasadahan ko ng tingin si Hyungwon at hindi parin ako makapaniwala na matapos nyang maupo ay humalumbaba sya sa table nya at natulog?

Natutulog na naman sya! Kay aga-aga!

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa inaasta ni Hyungwon. Paano nya nagagawa ang matulog na may teacher sa harap?! At bakit ako ang kinakabahan para sakanya? Dahil siguro katabi ko sya kaya ganito na lang.

"I'm Denise Carlos your History teacher. Magkakasama tayo ng isang semestre at sana ay maging masaya at marami tayong magagandang alaala,"

Hindi ko na lang pinansin ang natutulog na namang si Hyungwon at itinuon ang mga mata ko kay Teacher Denise.

"Mukhang lahat kayo ay pamilyar na sa paningin ko, maliban kay Miss?,"

Naturo ko ang sarili ko dahil sakin sya nakatingin.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now