5: MW

26.1K 788 34
                                    

Ch.5. Pt.1~Mozy

Chapter Song: Roses 🌹 by Chainsmoker


"Bakit Bohemian! Ugh! Akala ko ba ball ang mangyayari!," reklamo ni Alaska. Big deal sakanila ni Miesza ang ginawang anunsyo ni Ally (Dean) kanina. For the upcoming ball, iniba nya ang tema. Naging Bohemian ang tema ng party.

Nagkibit balikat ako.

"Okay naman siguro ang bohemian theme," pahayag ko. Tiningnan ako ng dalawa.

"Don't say that Mozy. Mas maganda kapag makagown o cocktail dress tayo. Tsaka mas perfect yun," sabi ni Alaska. Alam kong tinutukoy nya rin ang tungkol sa Monthsary namin ni Hyungwon na kasabay sa ball. She want it to be perfect too kaya ganyan na lang sya ka-frustrated sa mga nangyayari.

"Hindi pa naman tayo nakakabili ng isusuot natin diba?," sabi ko. Masama ulit ang tingin ng dalawa sakin.

"Let's just look at the positive side guys," sabi ko. Kita ko ang pag-iling ng dalawa kaya natawa ako.

Tumahimik kaming tatlo habang patungo na kami sa dormitory. Alam kong naiinis parin ang dalawang yan kaya hindi na rin ako nagsalita pa. Para kasi sakanila mas romantic ang traditional na tema. Para sakin naman kahit ano okay na, mas importante parin na kasama mo yung taong importante sayo sa okasyon na yun. Diba?

Anyway. Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong namin si George. Nakita nya naman ako pero dumaan lang sya. Sinundan ko na lang sya ng tingin.Ewan. Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalong nawawalan ako ng pag-asang magkaayos kami. Mom, help me to get close with George.

"It's okay Mozy. Hayaan mo na muna sya," hinila ako ni Alaska palayo.

Plano ko syang kausapin pero mailap talaga sya.

"Magiging maayos din kayo Mozy. Tayo nga diba naging friends? Kaya may himala pa para sainyo ng kapatid mo," pahayag ni Miesza. Well. May punto naman si Miesza.


"Isipin na muna natin yung tungkol sa ball. I want it to be perfect. Date ko si Minhyuk!," she added. Oo nga pala. Kaya rin yan inis si Miesza ay dahil gusto nya na mala fairytale ang dating ng gabing iyon para sakanila ni Minhyuk. It's nice to know na may improvement sakanilang dalawa.

-

Pagkadating naman namin sa dormitory (sa loob mismo ng kwarto naming tatlo.) Ay hinampas-hampas ako ni Alaska sa balikat dahil kinikilig sya. Hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti ng malapad dahil sa nadatnan naming boquet of roses sa kama ko.


"Grabe. Paano kaya nakakapasok yan? Iba talaga si Hyungwon," may halong tili ang pagkakasabi nun ni Alaska. Muli nya akong hinampas kaya natawa na ako. Alam kong sa bintana na naman dumaan yung Sleeping Pills na yun. Mas lalong lumalapad ang ngiti sa labi ko kapag naiimagine ko syang pumapasok sa bintana.

Kinuha ko ang boquet. Hindi ko na talaga mapigilang hindi kiligin. Mabilis namang kinuha ni Miesza ang nakalagay na note.

"I miss you Biscuit," umirap si Miesza matapos basahin ang nakalagay sa note. Inagaw din ni Alaska ang note kay Miesza saka binasa rin to.

Hyungwon made my day. 💞

"How did you do that Mozy! Tell me! Anong pinakain mo kay Hyungwon at parang baliw na baliw sya sayo!," niyugyog ako ni Miesza.

"Para ibigay ko rin kay Minhyuk yun! Don't be selfish Mozy!," hinila sya ni Alaska palayo sakin.

"Tumigil ka Miesza. Let Mozy have her moment sa binigay ng Hyungwon nya," nanunuyo ang mga tingin ni Alaska sakin.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now