Special Chapter

23K 687 65
                                    

Untold Part: The night

Chapter Song: Happiness by The Fray

Chapter Song: Happiness by The Fray

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----BEFORE----

"Please. Let me have Hyungwon,"-Hadley.

She paused for a moment.

Tapos nag-isip sya. Ano ang dapat nyang sabihin kay Hadley?

Naalala nya ang sinabi ni Alaska.

You need to fight for what is yours.
Hindi dahil kailangan ng iba ay ibibigay mo ang dapat na sayo.

Pero naisip nya rin...

Sakanya nga ba talaga si Hyungwon?

Kaya ang nasabi nya kay Hadley.

"Hindi ko hawak si Hyungwon," paunang sabi nya.

Yumuko si Hadley. Alam nyang yun ang isasagot ni Mozy.

"Kaya hindi kita pipigilan. You can convince him at kung ano man ang maging desisyon nya ay tatanggapin nating dalawa," she said.

Hadley looked at her with gratefulness.

"Maraming salamat Mozy," niyakap nya si Mozy matapos sabihin iyon.

Hindi naman mabigat ang pakiramdam ni Mozy sa desisyon nya. Sino nga ba sya para angkinin ng ganon si Hyungwon? She thought about it a million times. Mas magiging fair sa lahat ang ginawa nyang desisyon.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasayang marinig sayo yan," pahayag ni Hadley nang kumalas sya.

Ngumiti si Mozy and it was a geniune one.

Pinanood ni Mozy na umalis si Hadley palayo.

Naisip nya rin bigla. Paano nga kung pumayag si Hyungwon? Okay lang ba talaga sakanya?

Hindi na lang nya sinagot ang sariling tanong na iyon at nagsimulang maglakad pabalik sa dorm nang magkita sila ni Kihyun.

"Pwede ba kitang makausap?," Kihyun asked.

Pumayag naman si Mozy pero may hula na sya sa pwedeng maging usapan nila ni Kihyun kaya nauna na syang magsalita.

"You mean okay lang sayo?," tanong ni Kihyun nang ikwento ni Mozy ang tungkol sa pinag-usapan nila ni Hadley.

"Si Hyungwon din naman ang magdedesisyon," pahayag ni Mozy.

"I know this is hard. Naiipit ka kaya pasensya ka na kinausap pa kita tungkol dito, mas lalong maiinis sakin si Alaska kapag nalaman nyang ginawa kong to," sabi ni Kihyun. Tinapik ni Mozy ang balikat nya.

"It's okay Kihyun. Hadley is your friend too. Mukhang ikaw pa nga ang naiipit sa sitwasyon. Don't think about me. Kung ano man ang mangyayari ay mangyayari and I adore you for being honest with me," pahayag ni Mozy. Kita sa mata nya na totoo iyon.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon