31: Miesza, wru?

30.4K 1K 79
                                    

Chapter Song: Butterfly by f(x)

Napapansin kong ang hina talaga ng takbo namin ni Kihyun. Nauna na samin sina Cindy at Miesza. Ang bigat ko na ba talaga kaya mahina syang magpedal?

"Nabibigatan ka ata sakin," saad ko. Narinig ko ang mahina nyang tawa.

"Hindi. Gusto ko lang sulitin to,"

Hindi ako nagsalita. Natatahimik talaga ako kapag ganito na ang usapan namin.

"I miss hanging out with you," dagdag nya pa.

Napahigpit ang hawak ko sa balikat nya. Naalala ko tuloy yung hinalikan nya ako sa pisngi. Umiinit ang pisngi ko kapag napapasok sa isipan ko yun.

But say something Mozy! Kahit ano basta magsalita ka!

"Ako rin," saad ko. Which is true. Hindi kasi kami nagkakasama na kami lang. Parating grupo. Ang ibigsabihin siguro ni Kihyun ay 'date'.

"Masaya akong marinig yan,"aniya. Napangiti ako.

Naging mabilis na ang pagpedal nya matapos iyon at nakarating nga kami ng huli sa resthouse nila. Nadtanan naming nag-uunahan ang mga boys na lumabas at papunta yun sa pool. Agad kong hinanap si Cindy at Miesza. Sakto ang paglabas ni Cindy sa isang kwarto at nakabihis na sya ng panligo.

"Nasaan si Miesza?," tanong ko.

Kunot ang noo ni Cindy.

"Nasa kwarto Queen. Nakakainis talaga  sya!," saad ni Cindy at umalis sa harap ko.

Pumasok naman ako sa kwarto na tinutukoy ni Cindy at nadatnan ko ang nakahigang si Miesza. Nakatingin sya sa kisame.

"Leave me alone Mozy," saad nya.

Inilapag ko ang dala kong bag.

"Okay. Pero hindi kita sinama dito para lang tingnan ang kisame ng kwartong to," pinasadahan nya ako ng tingin saka bumangon.

"Why are you doing this?," nagkibit-balikat ako.

"Ano bang ginagawa ko?," nginitian ko sya.

"May ginawa ba akong maganda sayo para gawin mo to? Alam ko ang ginagawa mo Mozy. Bakit mo ko tinulungan?," muli akong nagkibit balikat. Hindi sya masaya sa sagot ko.

Kailangan ko ba ng dahilan para gawin ko ang bagay na yun? Pwedeng gusto ko lang dahil gusto ko?

"Stop overthinking Miesza at wag ka ng magmukmok dito. Chase him," saad ko. Aalis na sana ako nang may sabihin syang hindi ko maintindihan.

"Manhid ka ba talaga Mozy?," tiningnan ko sya.

"Ha? Anong manhid?," tanong ko. Iritable ang ekspresyon ng mukha nya.

"Hindi mo ba talaga napapansin ang totoong dahilan kung bakit ayaw na sakin ni Minhyuk?," kita ko ang pag-igting ng panga nya. Bakit ba sya nagagalit?

"Hindi talaga ako makapaniwala sayo Mozy. Ang manhid manhid mo! Hindi mo ba napapansin na may gusto sayo si Minhyuk!,"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Nagpapatawa ba ang babaeng to?

"Alam kong hindi ako dapat magalit sayo pero nakakainis ka kasi! Dahil ganito ka! Nakakainis ka!," singhal nya.

Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sakanya. Bakit nya kaya nasabi ang bagay na yun? Si Minhyuk? Pwedeng tumawa? Manhid ba talaga ako o sya lang tong masyadong nag-iisip?

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon