6: OMG Talaga

22.1K 780 82
                                    

Ch.6. Pt.1~Mozy

Chapter Song: 11:11 by Taeyeon

"Alaska gangster ka ba talaga?," -Miesza

Uh. Ayoko sanang aminin pero tama si Miesza.

"Baka maabutan tayo ng Monthsary nyo bago pa tayo makapaghanap ng maireregalo kay Kihyun!," -dagdag ni Miesza.

Nasa gitna pa naman ako tapos kapag nag-away tong dalawa ako talaga ang magiging referee.

"Gusto mo bang mamatay ng maaga Miesza!?,"-Alaska. Ramdam kong highblood na sya.

"Hindi! Pero tong pagddrive mo ang papatay sakin! Bilisan mo naman kahit 10kph lang!,"-sagot ni Miesza.

Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako sa dalawang to. Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga ni Alaska.

"Kasing bagal ng pagddrive mo magdamoves si Minhyuk! Nakakastress!," siningit pa talaga ni Miesza si Minhyuk dito.

"Oo na! Bibilisan na para kay Kihyun!," at binilisan na nga ni Alaska ang pagddrive nya.

"Ayan! Ganyan!," masayang saad ni Miesza nang bumilis na ng todo-todo ang takbo namin.

May point si Miesza sa pagsita sa pagddrive ni Alaska dahil sobrang bagal talaga. Pero may point din si Alaska sa sinabi nya. Wala pa naman kaming lisensya kaya pwede kaming mahuli anumang oras. Hays. Tama lang to Mozy dahil inubos mo ang oras ni Alaska para sa Monthsary nyo ni Hyungwon.

"Humanap ka ng shortcuts Alaska! Hindi tayo pwedeng dumaan sa highway! Lagot talaga tayo!,"-Miesza.

Sasabihin ko rin sana yun dahil hindi talaga pwede tong ginagawa namin.

"Oo na Queen Miesza. Dami mo namang utos!," sagot ni Alaska.

Mabilis na lumiko si Alaska papuntang eskinita. Baka dito naman kami mapahamak dahil baka makatagpo kami ng mga gangsters dito. Kahit wala naman na ang Burlington ay nakakatrauma parin.

"May alam akong shop na open 24 hours," sabi ko. Dapat siguro ang pag-usapan namin ngayon ay ang paghahanap ng mga tindahang pwedeng makabili ng regalo para kay Kihyun.

"Okay. Doon tayo pupunta! It's 11:11 already," sabi ni Miesza. Tapos narinig ko syang may sinasabi.

"Wishing at 11:11?," -Alaska. Narinig nya rin ang mga sinabi ni Miesza.

"Dapat rin sigurong humiling kayo ngayong 11:11 dahil kailangan natin ng maraming swerte ngayon," sabi ni Miesza. Napangisi ako.

"Tungkol kay Minhyuk naman yung hiniling mo," sabi ko na hindi mapigilang hindi mapangiti. Hindi parin talaga natitinag si Miesza.

"Aba syempre! Mas kailangan ko ang 11:11 para sa love life ko kumpara sainyong dalawa,"-nagtawanan kami ni Alaska.

"Anyway, saan yung shop na sinasabi mo Mozy?," tanong ni Alaska na agad ko namang sinagot.

Ang tinutukoy kong shop ay yung madalas naming puntahan ni Hyungwon. Maraming magagandang bagay doon. Random shop sya kaya nga more chances of finding great stuffs.

"Aandar pa ba to mamaya?," tanong ni Alaska nang tumigil na kami. Where here.

"Si Miesza na ang bahala nyan," sabi ko sabay alis ng helmet sa ulo ko. Future ME tong si Miesza, nakikita ko.

"Let's get inside,"-Alaska na mabilis akong hinila papasok.

Binati kami ng babaeng nagbabantay ng shop. Actually, kilala nya na ako dahil pabalik-balik naman kami ni Hyungwon dito.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now