8: Get over it

46.2K 1.5K 113
                                    

Chapter Song: Queen by Monsta X

Humalumbaba ako sa table ko habang nagsisilabasan naman ang mga kaklase ko sa Statistics dahil lunch na nga. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit dismayado talaga ako ngayon.

Hindi ko malaman kung anong dahilan ng pagmumukmok ko. It's either;

A. Dahil wala akong kaklase kahit sa isa mga boys sa Statistics.

B. Dahil hindi binigay ni Minhyuk ang papel nya.

C. Yung letter B.

Napailing ako sa mga naiisip ko. Mukhang dahil nga to kay Minhyuk. Nakakainis lang talaga isipin na hindi man lang nya ako pinabasa ng sinulat nya sakin. I'm talking about the activity we had in Humanities.

Ang akala kong maayos na kami ay hindi pa pala. Masyado lang siguro ako naging masaya kanina kaya feeling ko close na kami.

"Ano bang akala mo Mozy? Tanggap ka na nya?,"

Nakagat ko ang labi ko. Hindi naman talaga dapat big deal to, curious lang talaga ako sa mga sinulat nya dun. Tanggap ko naman na hindi nya talaga ako gusto pero sana talaga ay binigay na lang nya!

Umupo ako ng maayos at napabuntong hininga.

Nagulat ako nang makita ko ang nakatayong si Kihyun sa may pintuan.

Nakahalukipkip syang nakatingin sakin.

"Kanina ka pa dyan?," tanong ko at baka narinig nya ang mga nasabi ko.

"Nope. Kadadating ko lang. Hindi kasi kita mahanap sa Dining Hall," napatango ako.

Anyway. Bakit nya ako hinahanap?

"Tara? Sabay na tayo," aniya.

Tumayo ako at sumama nga kay Kihyun. Plano ko pa naman na hindi kumain dahil wala akong gana. Get over it Mozy.

Alam ko. Hindi ko dapat gawing big deal ang tungkol sa sinulat ni Minhyuk sakin.

Pababa na kami sa Monsta Building ni Kihyun nang mapansin ko ang pagtitig na naman ng mga studyante samin. Tiningnan ko ang walang pakialam na si Kihyun sa mga yun. Napangiwi ako. Sikat talaga sila Mozy. Para kasing sanay na sanay na talaga sila sa ganito.

"Bakit?," nagulat ako dahil nahuli nya akong nakatingin.

Napa 'he-he' ako saka umiling.

Pagkarating namin sa Dining Hall ay nakita ko ang kumakaway na si Wonho samin kaya nginitian ko sya.

Pero nagulat ako nang hilahin ako ni Kihyun papunta sa isang bakanteng table.

Pinasadahan ko sya ng nagtatakang tingin.

"Hindi ba tayo sasabay sakanila?," tanong ko.

Umiling naman sya.

"I want you all by myself today," kinindatan nya ako.

Wala akong nasagot sa ginawa nyang yun.

"Stay here," napatango ako at pinanood ko si Kihyun na umalis para kumuha ng pagkain? Wait. Kaya ko namang kumuha ng pagkain ko. Baka akalain pa ng mga kaibigan nya ay inuutusan ko sya. How rude of me.

Tiningnan ko ang pwesto nila Wonho. Masaya silang kumakain pero hindi sila kompleto. Wala si Hyungwon e. Nasa kwarto kaya yun ngayon?

Agad ko rin namang naalis ang tingin ko nang mapatingin si Minhyuk sa pwesto ko.
Abot-abot ang kaba ko sa hindi ko malaman na dahilan. Mas lalo pa tuloy naging awkward ang lahat samin ngayon.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now