2: Delilah

27.9K 877 69
                                    

Ch.2. Pt.1~Mozy

Chapter Song: My Generation by Sunderland


"George," tawag ko. Kanina ko pa sya sinusundan matapos kong malaman ang tungkol sa pagiging magkapatid namin at kanina nya pa ako hindi pinapansin. Nasa labas na nga ako ng kwarto nya at kanina ko pa sya tinatawag. Nagkukulong sya. Ginabi na ko sa pagsusuyo sa kapatid ko. Pero normal naman siguro tong ginagawa ko diba? I mean, punung-puno ng excitement tong katawan ko at gusto ko ng makausap ng maayos ang kapatid ko. I want to know more about her!

"Please talk to me," I tried again. Kahit hindi ko parin lubos maisip na nangyayari to ay masaya ako. May kapatid na ako! What a great news!

"George. Just so you know, I'm happy to know that I have a sister, hindi ako galit o ano. I'm even thankful," naghintay ako ng pagbukas ng pinto pero wala. Hindi parin talaga Mozy. Siguro nabibigla din sya sa existence ko at sa mga nangyayari kaya ilang sya. Hindi ko na muna siguro sya dapat kulitin. It takes time Mozy. Malay mo baka bukas ay kausapin ka na nya. Seatmate naman kayo.

"See you around then. Lumapit ka lang sakin kapag may kailangan ka, I'm always available for you," muli kong sabi. Umalis na ako matapos yun at bumaba na. Nasa third floor ang kwarto ni George at nasa second floor naman ang samin tatlo nila Alaska at Miesza.

"Oh! Kamusta?," bungad nilang dalawa nang makapasok ako sa kwarto.

"Wala e," sagot ko at naupo sa kama ko (yun kamang hinihigaan ni Hyungwon noon.)

"It's okay Mozy. Hindi parin siguro sumisink in sa utak nya na may kapatid sya," sabi ni Alaska. Napatango ako. Parehas kami ng tingin ni Alaska.

"Anyway. Magbihis ka na dahil may party sa Hideout," sabing muli ni Alaska habang sinusuklay ay buhok nyang pinakulayan na nya ng itim. (She used to be a blonde pero mas bagay sakanya ang black hair.)

"Party? Anong meron?," tanong ko.

"Yung pinsan ni Hyungwon dito na rin sa Monsta X Academy," isa lang ang pumasok sa isipan ko sa sinabing iyon ni Miesza.

"Si Delilah ba?," tumango si Miesza.

"So ako lang pala ang hindi nakakakilala sakanya," pahayag nya.

"Mukhang magiging masaya nga ang school year na to," sabi ko. Tiningnan ako ng dalawa.

"Magdilang anghel ka sana Mozy," sabi ni Miesza matapos nyang makapaglagay ng lipgloss. Alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

"O. Sumunod ka sa Hideout ah, gusto kang makita ni Delilah," sabi ni Alaska na tinanguan ko. I want to see her too.

"Mauna na kami Mozy. Kitakits sa Hideout!," pinanood ko ang paghila ni Alaska kay Miesza palabas sa kwarto. Napangiti lang ako sa kanilang dalawa.

Nang maiwan akong mag-isa sa kwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si dad. I know it's impossible to reach him pero kailangan kong makausap si dad! Gusto kong malaman kung sya ba ang nagpadala dito kay George at kung alam nya ba ang mga nangyayari ngayon.

"Psst,"

Sobra akong nabigla sa nakita ko. Hindi parin talaga ako sanay makita si Hyungwon na pumapasok sa bintana. Hindi na sya nagbago. Para parin syang pusa. Bigla-biglang sumusulpot.

"I heard the news," napabuntong hininga ako sa sinabi nya. As expected. Kalat na sa academy ang tungkol dito.

"Are you okay?," tumango ako. Lumapit sya sakin saka umupo sa tabi ko.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon