22: Classmates

34K 1.2K 63
                                    

Chapter Song: Fighter by Monsta X

Kinakabahan kong pinasadahan ng tingin ang walang malay na si Hyungwon. Mabuti na lang at dumating si Ms. Gilda at nadala ng mabilis si Hyungwon sa clinic. Dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Nagpapasalamat din ako dahil may doctor dito sa academy at sinabi nyang wala namang dapat ikabahala at hintayin nalang ang paggising ni Hyungwon.
Pero kahit na ganun ay abot-abot parin ang kaba ko hanggang ngayon. Ang bigat kaya ng shelf na yun at ang daming libro nun!

Kaya nga nabahala ako para sakanya (knowing what happened to him before). Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko sa mga nangyari, ako kasi ako gusto nung kung sino mang may gawa nun.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"I saved you again," naalala ko na naman.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ba ako dahil tinulungan nya ako o mas gugustuhin kong ako na lang ang nasaktan at hindi sya.

Ano ba kasi ang ginagawa ni Hyungwon sa mga sandaling iyon.

Nabitawan ko rin naman ang kamay nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Mozy what happened!,"

Hinarap ko ang mga boys. Nag-aalala ang mga ekspresyon nila.

"Si Hyungwon. Nadaganan ng shelf sa Library," mabilis na lumapit ang mga boys sakanya.

Tiningnan ko ang kadadating na si Cindy.


"Anong nangyari Queen?," hinawakan nya ako sa braso.

"Are you okay?," tumango ako pero tiningnan ko si Hyungwon.

"Aksidente ba ang nangyari?," tinanong ako ni Shownu.

Umiling ako.

"Mukhang hindi e. Parang sinadya na itumba yung shelf sakin pero nagulat ako nang makita ko si Hyungwon saka nangyari na ang nangyari," napakagat ako ng labi.

Tiningnan ako ng lima (Kihyun's not here).

"Tama si Mozy. Hindi basta basta matutumba ang shelf na yun kung hindi sinadya ang lahat," pahayag ni Wonho. Everybody agreed with it.

"Sino pa bang pwedeng gumawa nito? Lalo na sa Queen?," napatingin ako kay Cindy. May pinapahiwatig sya.

"Sinasabi ko lang na baka si Miesza ang may gawa nito. Kararating nya lang tapos nangyari to," she added.

Tiningnan ko si Minhyuk. Mukhang parehas sila ng hinala ni Cindy. Sa totoo lang, mukhang ang lahat ay si Cindy ang suspect.

"We need to find her," saad ni Minhyuk.

Bago pa kami makapagsalita ay bumukas ng pinto at pumasok si Dean kasama si Miesza. Kaya lahat kami ay takang-taka sa mga nangyayari.

"Bago nyo pa ako pag-isipan ng masama ay sinasabi kong wala akong alam sa mga nangyari. I was with Dean the whole time," diin nya.

"Ms. Montgomory? What happened?," pinasadahan ako ng tingin ni Dean. Kinakabahan talaga ako kapag kausap ko sya.

"Hindi po ako sigurado pero alam ko pong hindi aksidente ang mga nangyari. May tao po dun at hinahabol nya ako. Para sakin ang shelf na yun pero niligtas ako ni Hyungwon," I said.

Tumango si Dean.

"Kasalanan mo naman pala e," inirapan ako ni Miesza.

"Tumahimik ka bruha!," hinawakan ko si Cindy.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now