13: Gangsters?

42.4K 1.5K 123
                                    

Chapter Song: Blind by Monsta X


Napatigil ako sa paglalakad nang malapit na ako sa Dean's Office. Una sa lahat, alam ko ang dahilan kung bakit ako pinapatawag ng Dean. Pero hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nakapasok na ako sa office nya.

Baka maexpel ka Mozy.

Napagakat ako ng labi dahil sa naisip kong iyon.

Hindi ko maimagine ang mukha ni dad kapag nalaman nya to. He'll be disappointed with me.

But you need to go meet the Dean right now.

Huminga ako ng malalim. Tama na Mozy. Face the consequence.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at kumatok na nga sa pinto. Matapos iyon ay pumasok na ako.

Mas lalong dumoble ang kaba ko dahil sa sobrang lamig ng office ni Dean.

"Have a seat Ms. Montgomory," sinunod ko si Dean at naupo na nga.

Hindi ako makatingin sakanya. Nakakahiya lang kasi dahil kilala nya pa si dad.

"Are you aware why you're here right now Ms. Montgomory?,"

Napalunok ako bago tumango.

"I'm sorry Dean," I said. Kahit na alam kong walang magbabago sa sinabi kong iyon.

"Look at me Ms. Montogomory,"

Huminga ako ng malalim saka tiningnan nga si Dean.

"Kamukha mo talaga ang dad mo at hindi ko inaasahang mukhang parehas din kayong troublemaker," ngumiti sya.

Kinakabahan parin ako lalo na't binaggit na nya si dad.

"Ma-eexpel po ba ako?," tanong ko.

Nagulat ako sa reaksyon nyang 'gulat' din sa tanong ko.

"I'm not that heartless Ms. Montgomory," lumiwanag ata ang mukha ko sa narinig ko.

"But it does not mean na palalampasin ko lang ang ginawa nyong pagtakas ni Mr. Elizandré,"

Nawala ang ngiti sa labi ko.

"Hindi kita pinagbabawalan na makipagkaibigan sa grupong iyon. Hindi ko mapipigilan ang dapat mangyari but I'm here to guide you all," napatango ako.

"Kahit anong parusa po dean tatanggapin ko po. Pero sana hindi po to makarating kay dad," I pleaded.

Baka kasi kapag nalaman nya ay ibalik nya ako kay mom. I don't belong there anymore.

"You want me to keep secrets from your dad?,"

Tumungo ako. Ano ba tong mga pinagsasasabi ko.

"Wala na po kasi akong mapupuntahan. I can't go back to where I came from, everything has changed. And I think I finally found where I belong, nakakatawa man pero satingin ko ay dito sa academy ako nababagay,"

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon