3: Bear

26K 848 66
                                    

Ch.3. Pt.1~Mozy

Chapter Song: You call it romance by K.Will


"Ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Miesza na kanina pa minamasahe ang ulo nya. Hangover is real.

"Ayan kasi. Sinabi kong huwag kang magpapasobra sa pag inom dahil may klase tayo ngayon," pangaral ni Alaska. Ginulo ni Miesza ang buhok nya habang ako ay nakikinig lang sa dalawa.

"Kasi naman e! Naiinis ako kagabi kaya napadami ang inom ko," sabi nya. Tiningnan ko sya. Sobrang dami talaga Miesza. Tumba nga sya kagabi.

"Bakit ka nga pala badtrip kagabi? Dahil ba kay Delilah?," tanong ko. Napansin ko kasing hindi nya gaano pinapansin si Delilah kagabi.

"Hindi," sagot nya. Nagtinginan kami ni Alaska.

"Ah. Si Minhyuk no?," usisa ni Alaska. Hindi nasagot si Miesza. Hmmm. Silence means yes.

"Tsk. Sabi na nga ba, alam mo bang ang drama mo kagabi?," ani ni Alaska saka kinuha ang bag nya. Handa na kami ni Alaska na pumasok sa mga klase namin pero tong si Miesza ay nakapantulog parin.

"Ewan. Wala akong maalala," pahayag ni Miesza.

"Kung alam mo lang talaga Miesza. Nakakahiya ka kapag lasing," natatawang saad ni Alaska. Masama ang tingin ni Miesza sakanya. Sanay na ako sa dalawang to.

"Umiyak ka rin kagabi matapos kang ihiga ni Hyungwon. Pinagod mo pa kami ni Mozy na bihisan ka kasi nanandyak ka. Napaka brutal mo," napasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Masaya naman pero si Miesza lang ang hindi.

"Ewan Alaska. Wala talaga akong maalala sa mga pinagsasabi mo," nahiga syang muli.

"Hindi na muna ako papasok ngayon. Gusto ko lang matulog ngayong araw," napairap si Miesza. Pareho naman kaming napatango ni Alaska. Kinuha ko na rin ang bag ko at cellphone ko.

"O sha. Itulog mo na yang feelings mo kay Minhyuk, baka sakaling paggising mo ay mawala na rin yan," rinig ko ang pagtawa ni Alaska. Nakatuon kasi ang atensyon ko sa cellphone ko. Ifoflood ko ulit si dad hanggang sa sumagot sya.

"Ang sama nun Alaska ah, maging supportive naman kayo sakin kahit minsan lang!," sagot ni Miesza. Tinawanan lang ito ni Alaska habang ako ay masyadong busy kay dad.

"Alis na kami Miesza. Maabutan ka pa sana naming buhay ni Mozy mamaya," mabilis akong hinila ni Alaska palabas ng kwarto. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Miesza.

"Sino yang tinetext mo?," tiningnan ko si Alaska.

"Si dad. Gusto kong malaman mula kay dad ang tungkol kay George," sagot ko.

"Akala ko si Hyungwon. Yieee," napatawa ako.

"Malabong si Hyungwon ang katext ko. Minsan nya lang akong itext dahil araw-araw naman kaming nagkikita dito," sabi ko. Sinundot sundot ni Alaska ang tagiliran ko kaya sinaway ko sya. Nakikiliti ako.

"Hay nako Mozy. Number one fan nyo parin ako ni Hyungwon. Umaapaw kayo sa chemistry e," natatawa na lang ako sa mga sinasabi ni Alaska.

"Kapag narinig yan ni Kihyun ay malulungkot sya," sabi ko.

"Hindi a. Iba ang samin ni Kihyun. It's all about second chances habang si Miesza at si Minhyuk ay no comment," nakagat ko ang labi ko. Ang sama kasi ng timpla ni Miesza kagabi. She's so irritated. Si Hyungwon na nga ang nagbuhat sakanya pabalik sa kwarto namin sa sobrang kalasingan nya (at dahil pinagbawalan na kami ni Dean (Ally) na matulog sa Hideout.) Ayaw kasi ni Miesza na magpabuhat kay Minhyuk, kaya nga nasabi ni Alaska na ang drama nya kagabi.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now