16: Kiss?

40.8K 1.3K 175
                                    

Chapter Song: Amen by Monsta X

Nagising ako nang may maramdaman ako sa mukha ko. Pagkadilat ko ay nakita ko si Cutie. Bakit amoy tsokolate din tong si Cutie? Kaamoy na nya si Hyungwon.

"Meow," aniya.

Ang cute ng mga mata nya na nakatingin sakin.

"Goodmorning Cutie, salamat sa paggising sakin," ani ko.

Bumangon ako at kinarga ko sya. Pinasadahan ko ang kama ni Hyungwon at wala na sya. Oh well.

"Pakakain na kita," naglakad ako patungo sa drawer saka kinuha ang pagkain na binili ni Hyungwon para sakanya.

Ibinaba ko si Cutie at naramdaman ko ang paglalambing nya sa paanan ko.

"Wait for awhile," natatawa kong saad dahil panay sya sa pagm-meow.

Mabilis kong hinanda ang pagkain nya saka nilapag na ito. Pinanood ko syang kumain.

"I want to remember someone,"

Biglang napasok sa isipan ko ang usapan namin kagabi.

Sa susunod Mozy, hayaan mo ng matulog si Hyungwon. Importante sakanya ang mga alaalang iyon. Atleast sya mukhang may pag-asa pang mabalik ang mga nawalang alaala nya kaya tulungan mo sya.

Tumayo ako matapos iyon at nag-inat. Friday na nga pala ngayon! Masaya kong tinungo ang banyo para maligo na, may pakanta-kanta pa akong nalalaman habang naliligo ako kaya nang makalabas ako nang nakasuot lang ng towel ay napasigaw ako.

"What are you doing here!," nayakap ko ang sarili ko habang nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin kay Hyungwon na karga si Cutie.

Pati si Cutie nanlalaki ang mga mata sakin.

Tinakpan nya ang mata ni Cutie. Dapat yung mga mata nya ang tinatakpan nya!

"S-stop staring at me!," I'm stuttering!

Umiinit ang pisngi ko sa tingin ni Hyungwon sakin. What the hell! Bakit sya napunta dito!

Mas lalo yata akong namula nang makita ko ang pagngiti nya.

Jusko Mozy! Bumalik ka na sa banyo! Ano pang hinihintay mo!

"U-umalis ka na nga!,"

Mabilis akong tumakbo pabalik sa banyo.

Nasapo ko ang noo ko. Bwisit.

Nakita nya akong nakatowel lang! Jusko Mozy! Una undies ngayon nakatowel ka lang!

Napapikit ako. Gusto kong magmura ng maraming beses kapag naalala ko ang ngiti ni Hyungwon. Para akong tanga sa totoo lang.

"Bakit ba to nangyayari," I uttered.

Akala ko kasi hindi na sya babalik dito. Nakalimutan kong napunta nga pala ang lalaking yun dito kahit anong oras nya gusto!

Narinig nya kaya pati ang pagkanta ko sa banyo?

Ghad.

Ang daming kong kahihiyan ngayong araw! Friday the 13th ba?

Sobra ang kabog ng puso ko ngayon. Gusto ko na lang matunaw dito dahil sa kahihiyan. Lupa, pwede mo na ang lamunin.

Umalis na kaya yun?

"Biscuit," kumakatok sya sa pinto.

Napakagat ako ng labi. Andito pa sya! What the Hyungwon! Kailangan ko ng magbihis!

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now