17: Bro Code

35.9K 1.4K 93
                                    

Chapter Song: Gone Bad by Monsta X



Tinitigan ko ng maigi ang picture na sinend ni Wonho sakin. Inaamin kong ako at si Hyungwon nga ang nasa picture pero hindi pa kami nagkikiss! Naninindig ang balahibo ko kapag iniiisip ko yun.

Kung titingnan sa anggulo ng pagkakakuha ng picture ay parang nagkiss nga kami. Naalala ko ang sandaling ito. Nung isang araw lang to kung hindi ako nagkakamali pero wala talagang halikan na naganap! Inilapit nya lang naman ang mukha nya sakin sabay sabing "Nakita na naman kita,".

Lumabas na ako sa banyo matapos iyon at kagaya ng inaasahan ko ay laman na naman ako ng usapan dito sa Monsta X.
Andyan na naman ang mga tingin nila at bulungan. Friday the 13th ba ngayon? Talaga kasing minamalas ako.

Mabilis akong naglakad patungo sa locker room at mabilis din na umalis doon dahil nakakaasiwa ang mga tingin ng mga students sakin.

Makaassume naman sila ay wagas! Grabe talaga tong academy na to.

Hindi ka dapat maguilty Mozy dahil wala naman talagang halikan na nangyari kaya kumalma ka lang. Act natural and normal. No need to panic.

Ang mas mabuting gawin ko ngayon ay ang pumasok sa next subject ko. Hindi mo dapat pinapatulan ang mga ganitong issue Mozy.

Sinunod ko nga ang advice ng sarili ko at pumunta sa classroom ng next subject ko.Pagkapasok ko ay laman na naman ako ng usapan. Napailing ako sa isip ko. Wala ba silang ibang alam kundi ang pag-usapan ang buhay ko?

Saktong pagkaupo ko naman ay dumating rin ang teacher namin kaya natahimik na sawakas ang mga maiingay kong kaklase.

Huminga ako ng malalim pero kinabahan ako nang pasadahan ako ng teacher namin ng tingin.

"Ms. Montgomory. Pinapatawag ka nga pala ni Dean,"

Tuluyan na akong nanlamig sa kinauupuan ko at napatango na lang ako. Nagsimulang mag-usap usap ang mga kaklase ko kaya naging maingay muli ang classroom.

"Like, right now Ms. Montgomory,"

Napatayo agad ako saka lumabas ng classroom.

"Babalik ka na naman doon Mozy," napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

This is my second time around to be called by the Dean. Patay na talaga ako kay dad neto. Pero wala naman akong ginawang masama! Sino ba kasi ang kumuha ng picture na yun. Tsss.

I conditioned myself. Stay calm Mozy. You'll be just fine.

Tumungo na nga ako sa Dean's Office at kinakabahan na kumatok sa pinto bago pumasok.

Unang nakita ng mga mata ko ang nakapamulsang si Hyungwon. Thank God he's here. Sabay naming ipapaliwanag kay Dean ang lahat.

"Dean," I called.

"I explained to her already. Everything's okay," lumapit sakin si Hyungwon at akmang hahawakan ako para yata alisin dito sa Dean's Office nang magsalita si Dean.

"Both of you can't leave yet, I still need to talk to you,"

Pinasadahan ko ng tingin si Hyungwon.

"It won't take forever Mr. Elizandré," dagdag pa ni Dean.

Hindi sya nagsalita at sumunod sa sinabi ni Dean. Umupo ako katabi ni Hyungwon at napalunok nang pareho kaming tingnan ni Dean.

"Napapansin kong parati kayong nalilink sa isa't-isa," napailing agad ako. Hindi ko rin alam kung bakit Dean.

"It's okay Ms. Montgomory. Hindi ko pinagbabawal ang pagkakaroon ng romantic relationship ng mga students dito," tumigil ako sa pag-iling.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now