4: His Warning

52.7K 1.9K 112
                                    

Chapter Song: Stuck by Monsta X

Nahiga ako sa kasunod na kama. Pinasadahan ko sya ng tingin nang makaadjust na sa dilim tong mga mata ko at dahil narin sa liwanag na nanggagaling sa full moon ay nakita ko ang mukha nya.

Nakapikit sya at mukhang tulog nga. Bakit ba ang hilig nyang matulog? Anyway, gabi na rin naman kaya natural lang na matulog yung tao Mozy.

Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit dito talaga sya sa kwarto ko napunta na naman. Wala ba syang sariling kwarto? O baka outsider to?

Ang dami ko namang tanong na hindi ko rin alam ang sagot. Tsss.. matulog ka na rin siguro Mozy. Napabuntong hininga ako kapag naaalala ko ang sinabi ni Minhyuk.

Pero dapat kong sundin yun. Iiwasan ko si Kihyun. Hindi naman mahirap gawin yun dahil hindi pa naman kami ganun ka close. Ang sakin lang ay sana hindi na rin nya ako lapitan.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang dalawin ako ng antok. Himalang nakatulog ako na hindi inaalala tong cutie na to.

At pagkagising ko ng umaga ay may kumot na ako at wala na rin yung lalaki sa kama ko. Nagtataka kong pinagmasdan ang kumot.

Di kaya yung cutie ang nagkumot sakin? Napailing ako sa tanong sa isipan.

Malabo yun Mozy. Bakit ka naman kukumutan ng lalaking yun?

Tuluyan na akong bumangon at nagpalit ng damit. Unang gabi ko sa Monsta X Academy ay hindi na masama. Ang lambot ng kama ko e.

Nang masigurado kong maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto. This will be my first ever breakfast here in Monsta X Academy. Medyo kabisado ko naman ang daan patungo dun dahil nga isa yun sa mga pinuntahan namin ni Kihyun.

And speaking of him. I met his gaze when I entered the Dining Hall and Minhyuk's too.

Agad akong umiwas. Bigla kasi akong kinabahan! Iba talaga makatingin sakin si Minhyuk! Para bang pinapalayas nya ako sa Dining Hall. Pero hindi ko sya susundin. Nagugutom ako.

Kumuha ako ng tray dahil wala nga gaanong studyante ay walang pila sa pagkuha ng pagkain.

Pati mga pagkain dito sa academy parang sa hotel din! Eat all you can! Parang fiesta!
Mukhang mapupuno ang plato ko sa sobrang sarap tingnan ng pagkain ko.

Nagulat naman ako nang may maglagay sa plato ko ng fried chicken.

Pinasadahan ko ng tingin ang naglagay nun.

"Thank you for last night,"

Nabato ako dahil si cutie yung naglagay nun.

Hindi agad ako nakagalaw ng umalis sya. Kumakabog yung puso ko. Ang lapit nya kasi kanina kaya kita ko talagang makinis ang mukha nya. Ang gwapo.

Napailing ako. Huy Mozy! Gumalaw ka na!

Mabilis agad akong kumuha ng pagkain at umupo sa malayo sa pwesto nila Kihyun.
Hindi ko man nga lang sila matingnan!

I started eating nang may tumabi sakin. God. It's Kihyun.

"Hindi ka na nakabalik kagabi,"

Tama nga pala. Tsss. Hindi man lang ako pinagtakpan ni Minhyuk!

"Ah. Sumakit kasi ang ulo sa sobrang lakas ng music,"I lied.

Napatango si Kihyun.

"Dun ka na lang samin maupo,"kumakabog talaga ang puso ko sa ideyang yun.

Napailing ako.

"Hindi na. Dito na lang ako," sagot ko.

"Okay. Sasamahan na lang kita," aniya.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon