11: #Youwillalwaysfindme

45.5K 1.6K 63
                                    

Chapter Song: No Exit by Monsta X

"Hoy Hyungwon," tawag ko.

Hindi nya ako pinansin dahil abala sya sa bmx nya. (Bmx yung bisekleta na ginagamit magtricks). Nasa hideout nga pala kami. Pinasadahan ko ang tingin ng ibang bmx. Nakalimutan ko ang mga pangalan ng bmx's nila, yung kay Kihyun lang ang naaalala ko at Alaska ata yun.

Anyway. Kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayon. Nagsisimula na kasi ang klase at kailangan na naming bumalik sa classroom.

"May klase tayo. Ano bang nasa isip mo?," nakaharap ang likod nya sakin. Amoy na amoy ko naman ang pabango nya. Amoy chocolate sya.

"We're going out,"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Anong lalabas! Pangalawang araw palang ng klase tapos magcucut tayo!?," hindi nya pinansin ang pahihysteria ko.

Palibhasa kasi may mga special treatment sya dito sa academy. (Kahit na sabi nila Wonho ay wala na daw dahil nangako sila sa mga dad nila.)

Eh paano naman daw ako? Ako na isang ordinaryong mag-aaral at pinapaaral ng dad ko? Alam kong mahal pa ata sa buhay ko ang tuition dito.

"Hyungwon," nagmamakaawa ang tono ng boses ko.

Tuluyan na nya akong hinarap.

"Loosen up Biscuit, hindi kita ipapahamak," he said.

Natahimik ako.

Loosen up.

I'm really a grade concious type of person. Nasanay ako ni dad dahil na rin siguro isa syang sundalo.

Anyway. Palabas na kami ng hideout. Mukhang sasama nga yata ako sa Sleeping Pills na to.

Pinanood ko syang sumakay sa bmx nya na nakalimutan ko ang pangalan.

"Sigurado ka ba na lalabas tayo sa Monsta X Academy? Baka kasi hindi mo nalalaman ang mga rules dito Hyungwon. Bawal. Ang. Lumabas.," parang hindi nya narinig ang mga sinabi ko.

"Just trust me Biscuit. We'll be fine," ayan na naman ang salitang we'll be fine.

Bumuntong hininga ako.

"Stop calling me Biscuit for Pete's sake," saad ko saka umangkas na nga sa likod. Nakahawak ako sa mga balikat nya bilang suporta. It feels weird.

I shrug. Don't mind your heartbeat Mozy. It's just fooling you. It's trap. Huminga ako ng malalim.

I heard Hyungwon chuckled and I pretended I did not hear that.

Nagsimula syang magpedal patungong back gate.

Walang guard na nagbabantay sa back gate kaya 'safe' kaming dalawa ngayon. Hays. Ngayon lang yan Mozy. Dad. I'm so sorry for this.

Bakit ba kasi! Pwede ka naman hindi sumunod eh! Hindi pa ako nagcucut sa tanang buhay ko! Ngayon pa lang talaga.

Bumaba ako at pinanood ko ang nakakandadong gate.

"We can't leave," ani ko.

"We need a key----," kasasabi ko palang ay pinakita ni Hyungwon ang kumikinang na susi sakin. Tsss. Planado ata to lahat ni Hyungwon.

"Lagot talaga tayo kapag nalaman ni Dean na ninakaw mo ang susi dito," I sound so hopeless while I'm unlocking the gate.

"I didn't not steal that, just so you know," sinamaan ko sya ng tingin. Whatever Sleeping Pills. Lagot parin talaga tayo.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now