Special Chapter~Kihyun

24.8K 933 20
                                    

Chapter Song: Middle by DJ Snake ft. Bipolar Sunshine


"O, nasaan si Jooheon?," tanong ko kay I.M nang mapansin ko ang pagkawala nya.

"Magbabanyo lang daw," napatango ako. Binalik ko ang tingin kina Miesza at Alaska.

"Masaya sana kung gising na si Mozy," nasabi ko. Maganda sana ang sitwasyon ngayon dahil maayos na ang lahat pwera na lang talaga kay Mozy.


Lalo na at alam na namin ang totoong koneksyon nya saming pito. Naaalala ko nga si Mozy noon, may batang babae akong naging kaibigan pero isang beses lang ata nangyari ang pagkikita namin ni Mozy kaya hindi masyadong tumatak sa isipan ko ang mukha nya.


Sinundan ko naman ng tingin si Minhyuk na nakatingin kay Miesza. Nahuli ko sya. Siniko ko ang katabi kong si Wonho para makita nya rin yun.

"Hoy ungas! Baka matunaw!," natawa ako sa sinabi ni Wonho. Napailing si Minhyuk. Kunyari pa to.


Napunta naman ang tingin ko kay Hyungwon. Pansin ko ang pagiging tahimik nya sa mga nagdaang araw. Alam kong hinihintay nya si Mozy,( lahat naman kami hinihintay namin sya.) Pero iba para kay Hyungwon. Nung malaman namin ang lahat galing na mismo sa dad ni Mozy (Mr. Harfhilia) ay napagtanto kong, meant to be nga yata silang dalawa. Hindi man aminin ni Hyungwon ay alam naming lahat na gusto nya si Mozy.


Sa totoo nga, pinagbantaan nya ako noon. He told me that he'll support me about courting Mozy as long as I'm sure about my feelings for her. He's aware about me and Alaska kaya siguro nasabi nya yun sakin. Ayaw nyang maging rebound si Mozy at wala naman talaga akong plano na gawin syang panakip butas. I really like her from the moment I saw her. Ang simple nya kasi at ang bait.



Minsan kapag magkasama sila ay nagseselos ako, tinutukso nga ako ng iba na hindi baka daw si Hyungwon at Mozy pa ang magkatuluyan. Inaamin kong umiinit ang ulo ko kay Hyungwon lalo na kapag tinatakas nya si Mozy. Inaangkin nya kasi si Mozy na ikinaiinis ko. At meron silang kung anong napapansin ko kapag tinitingnan ko silang magkasama. Ngayon, naiintindihan ko na kung ano yun.



"Babawiin ko sya sayo kapag nagkamali ka Kihyun. Just one wrong move, and you'll lose her," eksaktong saad nya sakin.



Kaya nang yakapin ko si Alaska sa harap ni Mozy ay alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Tinotoo nga ni Hyungwon ang banta nya sakin. Binakuran nya talaga si Mozy nung nawala na ako. Pero hindi ko pa nakita ang ganung ngiti ni Mozy kapag magkasama kami, nakita ko lang yun kapag kasama nya si Hyungwon. They're really happy in eacother's company. Kaya nga sana ay magising na si Mozy. They deserve a happy ending.


"Kanina pa kita kinakausap," reklamo ni I.M. Pasensya na, masyado akong nadala sa mga nasa isip ko.


"What are you talking about?," I asked.


"Nangyayaya si Jooheon na kumain daw muna tayo, bibisita din kasi ang mga dad natin kay Mozy. Mas mabuti kung hindi tayo sabay sabay dito," sagot nya. I nodded. He's right.


Tumayo kaming lahat at lumabas ng kwarto ni Mozy. Alis muna kami Queen, patatahimikin muna namin ang paligid mo at baka maisip mo ng magising dahil sobrang bored ka na.


"Pizza tayo! Libre mo Jooheon a!," ani ni I.M habang papalabas kami ng hospital. (May malapit na pizza parlor sa harap ng hospital kaya maglalakad lang kami patungo dun.)


"Okay ka lang?," tanong ni Alaska sakin. Tumango ako. Hinawakan ko ang kamay nya na ikinagulat nya. Hindi parin sya sanay na ganito na ulit kami. We're together again.


"Ang sakit talaga sa mata! Mauna na tayo I.M!," saad ni Jooheon.


"Makakamove on ka rin tol! Andito naman kami e," pahayag ni Wonho.


"Sulitin nyo nang broken hearted yang si Jooheon dahil nanlilibre!," saad ko.

Pinanood ko silang nagkukulitan. Napatingin naman ako kina Minhyuk at Miesza. Sana sila rin ay maging okay na. Alam kong gusto nya pa si Miesza pero minsan napapaisip ako kung si Miesza nga ba o si Mozy ang gusto ni Minhyuk. Nahuhuli ko kasi sya paminsan-minsan na napapatingin kay Mozy at alam kong iba yun. May kung ano sa tingin nya lalo na kapag magkasama si Hyungwon at Mozy. But speaking of Hyungwon, nasaan na yun? Akala ko nasa likod lang at sumusunod.


Napatigil kami ni Alaska sa paglalakad.

"Si Hyungwon?," tanong ko.

"Hayaan mo na," saad ni Alaska at hinigit ako papunta sa iba.


"Baka nga sya lang ang makakagising kay Mozy, hayaan na natin ang dalawa," sabi nya. Napatango ako. Mukhang tama nga si Alaska. Baka si Hyungwon lang talaga ang kailangan para magising ng tuluyan si Mozy. Wake her up Hyungwon.










×××
Short but enough. Hahaha. Anyway! Babawi naman ako sa Ending Page.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now