29: Please find me

29.8K 1.1K 74
                                    


Chapter Song: Signal by f(x)

Kinagabihan matapos kong maligo at makapagbihis ay may kumatok sa pintuan kaya pinagbuksan ko iyon. And it's Hyungwon. (Naka all black at nakasuot ng cap. Parang gangster talaga ang dating nya ngayon.)Anyway, anong ginagawa ng Sleeping Pills na to dito?

"Bakit?," I asked. Hindi nya ako sinagot pero pumasok sya sa kwarto ko ng walang paalam.

"You can't go with us," he said nang maupo sya sa kama.

Alam ko ang tinutukoy nya. Yung tungkol sa Underground Party.

"I know. Dito lang ako para iwas gulo," saad ko.

I'm aware of the situation. Hindi ako magpapasaway sa mga boys.

Ngumiti si Hyungwon. Err. Ayoko talaga sa ngiti nyang yan. Naiinis ako. Mas lalo akong nainis kapag naalala ko yung ginawa nya sa treehouse. Bakit ba kasi ang hilig nyang ilapit ang mukha nya sakin!

Pinanood ko syang mahiga sa kama. Napailing ako.

"You're suppose to be mine,"

Napatingin naman ako sa pintuan nang may kumatok na naman.

"Mozy?," nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong boses ni Kihyun yun.

Mabilis akong lumapit kay Hyungwon na nakapikit! Jusko natutulog ba ang lalaking to?!

"Mozy?," kumatok ulit sya.

Mabilis kong tinakpan ng comforter si Hyungwon. Ano ba tong ginagawa mo Mozy!

Pumunta na ako sa pinto para pagbuksan si Kihyun. Jusko bakit ako kinakabahan!

"Sorry natagalan ako," saad ko. Tumango sya.

"Ano kasi. I want you to be there but it's better if you just stay here," napatango ako.

"I understand. Pero mag-iingat kayo sa party na yun," saad ko. Ngumiti si Kihyun.

"We will,"

"Sweet dreams Mozy," I was about to say something pero hindi ko nasabi dahil hinalikan nya ako sa pisngi.

Ngumiti na lang ako. Jusko. Ano ba tong nangyayari sa puso ko! Ang bilis ng tibok ng puso!

Pagkasarado ko ng pinto ay nadatnan ko ang nakatingin na si Hyungwon sakin.

Nakita nya kaya? Namumula tuloy ang pisngi ko dahil sa hiya!

Tumayo sya saka lumapit sya sakin.

"Goodnight Biscuit," kumakabog ang puso ko ngayon. Inilapit nya kasi ang mukha nya sakin.

Tumawa sya ng mahina.

"I need to go," saad nya saka hinawi ang basang buhok ko at inipit sa tenga ko.

Napahinga ako ng malalim nang umalis na sya. Ewan ko na! Nakakainis na!

Napahiga ako sa kama matapos iyon. Bakit parang naiwan ata ang amoy ni Hyungwon dito? Nasampal ko ng mahina ang sarili ko. Baliw na Sleeping Pills yun!

Mabuti pang ipikit mo na lang ang mga mata mo Mozy at matulog. Tama. Matutulog na ako.

Pero wala pa atang five minutes ay nakarinig ako ng tunog. Teka. Ringtone ko yun ah?

Mabilis kong hinanap ang cellphone ko at baka si dad ang tumatawag! I need to talk to him! Ang dami kong icoconfess.

Patuloy parin sa pagtunog yung ringtone ko at hindi ko pa mahanap ang cellphone ko! Nasaan ko ba kasi nahulog yun!

MONSTA ❌ ACADEMYOnde as histórias ganham vida. Descobre agora