24:~23 Days Later

22.3K 738 78
                                    

Ch.24. AUTHOR'S/3rd person P.O.V

Chapter Song: Search Party by Sam Bruno


Tahimik ang loob ng RV sa kadahilanang lahat ay tulog. Dahil lahat ay napagod na pagtalunan kung saan ba talaga sila unang pupunta. Pero sa huli ay nanalo si Alaska.


Sabi ko nga, lahat ay tulog maliban na lang kay Youngjae na ginawa nilang driver.


Nagising naman si Miesza na nakaupo rin sa harap. Dahil SAKANYA naman daw ang RV na to ay hindi sya makikipagsisikan sa mga nasa likod nya.

Pinasadahan naman sya ng tingin ni Youngjae nang mapansin nya ang paggalaw ni Miesza sa kinaupuan nya.


“Anong oras na?,” namamaos na tanong ni Miesza. Agad na tiningnan ni Youngjae ang maliit na orasan sa harap nya.


“Alas dos na,” sagot nya. Napatango si Miesza.


Nayakap nya ang sarili nya dahil sa lamig ng hangin. Inabot na sila ng alas dos ng umaga patungo sa dating tinitirhan ni Mozy. Medyo may kalayuan kasi ang Little Creek sa Greenstone City. Mga walong oras ang biyahe kung susunod sila sa speedlimit at kung hindi naman ay maswerte na ang 6 na oras.

Dahil nga nanalo si Alaska ay  ang una nilang pupuntahan ay ang Mommy Rose ni Mozy na nakatira sa Little Creek, dahil malakas ang pakiramdam ni Alaska na andun ang next clue nila. Hindi pa daw kasi nagkakamali ang kutob nya.



“Salamat nga pala,” mahinang sabi ni Miesza pero rinig naman iyon ni Youngjae. Ngumiti ng kaonti si Youngjae sa narinig nya.

“At sorry sa istorbo. Hindi ka na dapat nadamay dito,” sabi ni Miesza. Napailing si Youngjae.



“Kakilala ko rin naman si Mozy dahil kaibigan sila ni Jackson. Tsaka, alam ko ang pakiramdam na may hinanap,” pahayag ni Youngjae.



Hindi kumibo si Miesza. Pero pakiramdam nya ay ang dami na nyang utang na loob kay Youngjae. At ang ayaw nya sa lahat ay ang magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino.


“Babayaran kita,” nasabi nya. Nasa daan ang tingin ni Miesza nang sabihin nya yun.

“Hindi na,”tanggi ni Youngjae.

“Hindi pera ang ipambabayad ko sayo,” sagot ni Miesza.

Dahan-dahan na napatango si Youngjae. Hindi nya nakuha ang sinabi ni Miesza pero mukhang magandang pakinggan na hindi pera ang ipambayayad sakanya ni Miesza.

“Sige. Ikaw ang bahala,” sagot ni Youngjae.


Sa likod naman ng dalawa ay nakikinig pala ang dating kinababaliwan ni Miesza. Si Minhyuk.


Bigla syang napaisip kung paano nagkakilala ang dalawa at kung bakit ganyan sila mag-usap. Bigla nyang naisip ang sinabi kanina ni Delilah.


Agad nya namang naipikit ang mga mata nya nang tumayo si Miesza para magtimpla ng kape sakanilang dalawa ni Youngjae. Hindi nya alam kung bakit nya ginawang magpanggap na tulog pa. Ayaw nya lang sigurong malaman ni Miesza na nakikinig pala sya sa usapan nilang dalawa.

“Tumigil kaya muna tayo sa isang Convenience Store? Nakalimutan kong wala palang laman tong RV,” sabi ni Miesza nang wala syang mahanap na ano para gumawa ng kape.

“Sige,” simpleng sagot ni Youngjae.


Inisa-isa naman tiningnan ni Miesza ang mga kaibigan nyang tulog. Ang magkatabing si Kihyun at Alaska. Si I.M na nakasandal sa balikat ni Wonho at si Wonho na nakasandal kay Delilah na nakasandal din kay Hadley. Tiningnan nya rin si George at si Jooheon na katabi si Minhyuk.



MONSTA ❌ ACADEMYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang