Epilogue

28.1K 790 141
                                    

EPILOGUE: THIRD PERSON

Song: Can't Let Go ~500 Days of Summer Ost

Lumipas ang maraming araw at marami rin ang nangyari. Una, muling bumalik sa dati ang lahat.( I mean, naging normal ang takbo ng buhay nila. Pag-aaral, gang fight, sneaking out, violating the rules, misunderstandings. Mga ganung normal na bagay.)

Pangalawa naman, may mga nagbago rin. Katulad nalang ni Miesza na hindi na bitter at paunti-unti ay bumabalik na ulit ang pagiging magkaibigan (friends) nila ni Minhyuk at kung ang lovelife naman nya ang pag-uusapan ay no comment muna ako dyan. At si Minhyuk? May hidden feelings parin pero suko na talaga sya. He's happy actually, because that's love. Letting go is love. Meron pa, si I.M? Alam na kung sino si Bear! Finally!Nalaman na nyang si Erica Erah yun at hindi si Wonho ang gusto nya. Paano?Well, nilasing lang naman nila si Erica Erah para lang umamin.

Speaking of Wonho, mortal enemy parin sila ni Delilah at tinutukso parin sila sa isa't-isa. Naniniwala ang lahat na sila talaga ang magkakatuluyan. Tapos si Alaska at Kihyun naman ay forever na daw. Sabi pa ni Miesza na "edi sila na!,".
Si Shownu naman ay parating kachat ang fiancee nyang si Beauty sa Korea. Tapos si Jooheon? May nililigawan na! Finally din at nakamove on na sya kay Cindy! At sino ang lucky girl? Walang iba kundi si Monica a.k.a."Miss President". Pero hindi pa dapat magsaya dahil pinapahirapan nya sa panliligaw si Jooheon.

Pangatlo, tinulungan ni Hyungwon si Hadley pero sa paraan ni Hyungwon. Kaya paunti-unti ay bumabalik na rin sa dati ang magandang takbo ng kompanya nila. Bumisita si Hadley sa academy paminsan-minsan, pero ngayong bumabalik na ang sigla ng kompanya nila ay naging busy na sya.

Pang-apat, si George? Hmmmm...medyo okay na sila ni Mozy. Hindi parin kasi sya komportable pero hindi na nya pinagtatabuyan si Mozy palayo. Eventually, magiging close din sila na parang totoong magkapatid.

Panglima, si Mozy naman, simula nung malaman nya ang katotohanan ay hindi na nya tinantanan ang dad nya ng tanong. Nagtampo nga sya sa dad nya for not telling her the truth. Nangyari pa tuloy ang mga nangyari. Pero dahil sa ginawa nyang pag-alis nun ay may nakuha syang importanteng sagot: na hindi naman sa dugo mababase ang pagiging pamilya. Yan ang sinabi sakanya ng kaibigan nyang si Hero (ang may ari ng rancho na tinakbuhan nya noon para mag-isip isip. Dahil matalik na magkaibigan ang mga dad nila ay naisip ni Mozy na baka may alam si Hero tungkol sa pagiging ampon nya pero yun ang nakuha nya sakanya.) Pero hindi na nga nya mahanap ang totoo nyang mga magulang kaya tumigil na rin sya sa kahahanap. Minsan kasi wala talagang sagot sa mga tanong natin. Kung meron man, baka hindi pa talaga ngayon yun maibibigay.

Diba? Marami-rami ang nangyari sa mga lumipas na buwan. At sa kasalukuyan naman ay ito ang nangyayari.

"Congratulations Graduates!,"-Ally.

Napuno ng saya, lungkot, tawanan, yakapan, tunog at flash ng camera ang buong field kung saan ginanap ang Graduation nila.

Sa malawak na field na iyon ay makikita mo ang grupo ng mag-aaral na masayang nagkakaroon ng pictorial.

"Wonho usog ka ng kaonti kay Delilah," sabi ni Ally ang dean nila. Ginawa naman ni Wonho ang sinabi ni Ally kaya panay ang "ayieee," ng lahat.

"Okay. Everyone say cheese," ani ni Ally at lahat nga ay ginawa iyon.

Napangiti si Ally sakanila. Nakikita nya kasi kung ano sila noon ng mga dad nila. Nasa isip nya ring bagay sakanila ang suot-suot nilang toga.

"Darating ang mga dad nyo maya-maya kaya ihanda nyo na ang mga gamit nyo," paalala nya sa lahat na nagtanguan naman.

Matapos iyon ay iniwan sila ni Ally para asikasuhin ang ibang mga mag-aaral at bisita.

"Paano ba yan. This will be the last time," ani ni Jooheon.

MONSTA ❌ ACADEMYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant