12: I'm sorry

19.9K 662 28
                                    

Ch.12.Pt.1~Mozy

Chapter Song: My Romeo by Jessi

"You need to go there Miesza,"- Alaska.

"Saan ba kasi matatagpuan ang lugar na yan?," sagot ni Miesza.

"Mag-iimpake na ako ngayon na mismo," dagdag nya.

Ang pinag-uusapan ng dalawang yan ay ang Camp Sawi. Agad na naiyak si Miesza nung magsimula ang movie. Ang bigat na siguro ng dinadala nya. Pansin ko rin na dinadaan nya lang sa biro ang lahat pero totoo na pala. Si Miesza talaga.

"Magpapareserve ako for one person only dahil alam kong hindi nyo naman ako sasamahan," sabi nya pa. Hinagod ni Alaska ang likod nya.

"Does it mean you're giving up with Minhyuk?," I asked.

"Malapit na talaga," sagot nya na may halong tawa. Nagtinginan kami ni Alaska. We both know that laugh was fake.

Naputol ang usapan naming iyon dahil kailangan kong umalis. Sa baba lang naman ako pupunta. Ibibigay ko lang kay Hyungwon ang regalo ko na sobrang simple. Tsaka babatiin ko rin sya. Ang original plan naming tatlo ay sa tree house magaganap yung surprise for our Monthsary pero dahil sa mga nangyari ay hindi ko na tinuloy pa. Now, I only have minutes to be with Hyungwon.

"O, dalhin mo tong polaroid ko para may souvenier kayo ng Hyungwon mo,"-Alaska na inabot ang polaroid nya.

"Umalis ka na Mozy," taboy ni Miesza. Ginulo ko ang buhok nya.

"Oo na," sabi ko at mabilis na lumabas ng kwarto hawak-hawak ang regalo ko at ang polaroid ni Alaska.

I texted Hyungwon about this and he said on the way na sya. Nagmamadali akong bumaba dahil gusto kong mauna sakanya. Excited ako sa itsura nya ngayon. Alam kong gwapo na yun pero iba parin talaga. Basta. Ewan.

Pagkababa ko ay nauna nga ako. Kinunan ko na lang ang sarili ko kasama ang regalo kong isang garapon na nilagyan ko ng design ang labas tapos pinuno ko ng poetry ang loob. My gift for Hyungwon are my poems. I was inspired when our Eng202 teacher appreciated my essays. Sabi nya maganda daw ang writing style ko and I should try writing poems. Pinagawa nya ako ng lima tapos pinasa ko sakanya at nagandahan sya. He even posted it on his website. Blogger yung teacher namin. At dahil hindi natuloy ang plano ay ito ang naisip ko. Parehas kay Alaska pero may twists. I put 10 poems inside. Original lahat. Sana nga magustuhan ni Hyungwon kahit na simple lang talaga.

I texted him again.

Ako: Where are you?
Sleeping Pills: Malapit na.
Ako: Okay.

I am very excited and nervous at the same time kaya hindi ako mapirmi sa pwesto ko. I am scanning the place every second. Sabagay medyo malayo naman ang venue ng ball kaya naiintindihan ko rin. Mabagal din maglakad si Hyungwon.

Lumapad ang ngiti ko nang makita kong may papalapit. Pero binawi ko rin naman nang makita kong si Minhyuk iyon.

"Mozy," sabi nya nang makalapit sya sakin.

"Napadpad ka dito? You're suppose to be at the ball," sabi ko. Nagkibit-balikat sya.

"Nakakabagot dun," sagot nya. Binigyan ko sya ng nanunuyang tingin.

"Pumunta ka dito para makita si Miesza no?," lumapad ang ngiti ko.

Ngumiti din sya. Gotcha Minhyuk. Hindi ko magets si Miesza dahil dito. Bakit ang drama nya na halata namang may gusto pa si Minhyuk sakanya?

----

Pt.2~Wonho

"Sino yang kasama ni Jooheon?," tanong ko kay Kihyun. Dahil wala naman kaming mga date ay kami ang magkasama ngayon. Bwahahaha damay damay na kami.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now