34: Alaska

28.5K 1K 80
                                    

Chapter Song: Diamond by f(x)


Nagising ako dahil sa ingay--hindi pala ingay kundi hikbi? Iminulat ko ang mga mata ko at pinasadahan ang kama ni Miesza. Napabangon ako nang mapansin kong nag-iimapake sya.

"Anong ginagawa mo?,"

Napatigil sya. Hindi ko kita ang mukha nya dahil nakaharap ang likod nya sakin. Pero alam kong umiiyak sya.

"Pasensya na at nagising kita. Ang ingay ko kasi," saad nya.

Pinagmasdan ko ang mga gamit nya. Kagagaling nya lang sa clinic tapos heto at aalis na sya?

"Bakit ka nag-iimpake," tanong ko kahit na mukhang abvious na ang sagot.

"Hindi pa ba halata? Aalis na ako sa academy na to," rinig ko ang pagsinghap nya.

Nagpatuloy sya sa paglalagay ng mga damit nya sa maleta nya.

"Miesza---,"

"Stop it Mozy! Hindi ko kailangan ng awa mo,"

Napailing ako. She needs to know how Minhyuk cared for her. Lumapit ako sakanya.

"Tungkol parin ba to sa iniisip mo kay Minhyuk? Alam mong hindi naman totoo ang mga iniisip mo. Kung alam mo lang Miesza----,"

"Kung alam mo rin sana Mozy," humarap sya sakin.

Agad nyang pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata nya.

"Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa kamanhidan mo o mas dapat akong mainis sayo," tumawa sya ng bahagya.

"Hindi lang naman si Minhyuk ang gusto kong mabawi. Gusto kong makita ulit ako ng mga kaibigan ko pero mukhang imposible na dahil hindi na mabubura sa isipan nila ang naging kasalanan ko kuno. Kaya aalis ako dahil nakakapagod na," muli syang napapunas ng mga luha nya.

"Naniniwala ako sayo," natigilan sya sa sinabi ko.

"Ano bang alam mo?," mataray nyang tanong. Umiling ako.

"I don't know anything but still, I believe you're telling the truth," mapait na ngiti ang binigay nya sakin.

"Salamat pero hindi ikaw ang gusto kong maniwala sakin. Sumusuko na ako. Nanalo ka na," ako naman ang natawa sakanya. Anong akala nya, isa tong laro?

"How about Minhyuk? Iiwan mo na lang sya dahil napapagod ka na? Alam mo bang sobra ang pag-aalala nya sayo nang mawala ka? Kita kong may pakialam sya sayo," hindi nya pinansin ang sinabi kong iyon at nagpatuloy sa pag-iimpake hanggang sa matapos nga sya.

"Alam ko. Pero hindi pagmamahal ang tawag dun kundi pasanin. Pakiramdam nya bagahe nya parin ako kaya kapag may ginawa akong hindi maganda, sakanya sisisihin yun. Naiintindihan mo ba ako Mozy?," napakagat sya ng labi at iniwas ang tingin sakin.

"Mukhang nakapagdesisyon ka na at hindi ko na mababago yun," ngumiti ako. Isang malungkot na ngiti.

"Don't worry. Babalik ako. I'll try to steal him again from you at sa susunod, mababawi ko na sya," hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng to. Baliw talaga.
Kelan ba naging akin si Minhyuk.

"Kaya mangako ka Mozy,"

"Mangako?," tumango sya sa sinabi ko.

"Promise me. You'll never fall inlove with Minhyuk. Never,"

Natigilan ako. Never fall in love with Minhyuk?

"Yun lang ang gusto kong marinig sayo at magiging masaya akong umalis sa academy,"

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now