Special Chapter

20.3K 681 42
                                    

Untold part: Hyungwon

Chapter Song: Remembering Sunday by All Time Low

“Where are you,” tanong ni Hyungwon habang nagddrive patungo kung saan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Where are you,” tanong ni Hyungwon habang nagddrive patungo kung saan. Kahit wala syang kaalam-alam kung saan magsisimulang hanapin si Mozy ay umalis parin sya ng academy. She's been gone for 1 month at para sakanya at sa lahat ay matagal na yun.

Nang may makita syang gasolinahan ay tumigil muna sya para siguraduhing hindi sya mauubusan ng gasolina ang kanyang sasakyan.

“Sir,” sabi nya at tiningnan naman sya ng lalaki.

May inabot syang litrato na tinanggap naman ng isa pang gasoline boy.

He likes to take stolen moments of Mozy, pero ang pinakita nya ay yung nasa theme park sila.

“Nagbabakasakali lang na baka nakita nyo sya,” sabi nya. Tinitigan naman ng lalaki ang hawak nyang litrato.

“May nakita kang ganito ka gandang babae dre?,” tanong ng lalaki sa kasamahan nya. Matapos naman malagyan ng gasolina ang sasakyan ni Hyungwon ay pinasadahan nya ng tingin ang sinasabi ng kasamahan nya.

“Nako sir. Walang napadpad sa ganitong lugar na ganyang kagandang babae,” natatawang saad ng lalaki.

Napatango si Hyungwon. Alam naman nya na imposible na makakuha sya ng impormasyon sa dalawang to pero sinubukan nya parin, wala namang mawawala kung tatanungin nya ang bawat tao na makita nya. Desperado na talaga sya.

Binalik naman ng lalaki kay Hyungwon ang litrato ni Mozy.

“Sige. Salamat parin,” pahayag ni Hyungwon.

Pagkaalis nya sa gasoline station ay tumigil muna sya sa isang tabi. It's been 20 days nang magsimula syang maghanap kay Mozy. Wala pa syang tulog pero hindi nya ramdam ang antok. Dahil kapag pinipikit nya ang kanyang mga mata ay si Mozy ang nakikita nya. He can't sleep. Ayaw nyang matulog.

Napatingin naman sya sa cellphone nya nang umilaw ang screen nito. Ang akala nyang text galing sa detective na hinire nya ay hindi pala, kundi si Delilah. Hindi na nya ito binasa. Wala rin naman syang maisasagot. Napahinga sya ng malalim saka tiningnan ang katabing upuan nya.

Dahil siguro sa pagod at kakulangan sa tulog kaya nakikita nya ngayon ang nakangiting si Mozy sakanya. Pero alam naman nyang ilusyon lang iyon, isang magandang ilusyon.

“I'm gonna find you. I will always find you,” he uttered. Parati nya yun sinasabi na para bang isang spell. Because he needs to believe it. Lalo na kapag ganitong wala na talaga syang maisip.

Sa tahimik na daan na ito ay napatingin sya sa labas. At kapag ganitong pagkakataon, nakikita nya ang sarili nya at si Mozy sa daan na nag-uunahan sakay ang mga bmx nila. Parating ganito, kapag ginagabi sya sa daan kahahanap kay Mozy ay yun ang nakikita nya.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now