Special Chapter~Shownu

26.9K 1K 44
                                    

Chapter Song: All We Know by Chainsmokers

(Warning: Hinay-hinay lang sa pagbasa, binuhos ko na ang lahat dito haha)


"Magiging maayos din si Mozy," pahayag ni Wonho.

Walang nagbigay ng reaksyon sa sinabi nyang iyon. Hindi pa namin masabi kung magiging maayos nga si Mozy dahil hindi pa kami nakakapunta sa hospital. We we're stuck her in the academy.


"Still can't believe it. It was Cindy all this time," tiningnan ko si Kihyun na katabi si Alaska.

Tama nga si Alaska sa mga sinabi nya. Pero kahit ako ay hindi ko rin napansin si Cindy. Looks can really be deceiving. Pinasadahan naman ng tingin si Hyungwon na nasa counter at mukhang malalim ang iniisip. Saktong dating nya at naligtas nya si Mozy dahil lahat kami ay paniguradong sisisihin ang mga sarili naming kapag hindi sya naagapan.

"So it means, Miesza's innocent," tumango ako sa sinabi ni I.M.


Malaki din ang atraso namin kay Miesza, pero nangyari na ang mga nangyari. Wala na si Miesza sa academy. Tiningnan ko si Minhyuk dahil dun. Tulad ni Hyungwon ay tulala din sya at mukhang malalim ang iniisip.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama ko. Lahat kami ay nakacostume pa at walang balak na magbihis hanggang sa makakuha kami ng balita galing kay Ally.


"Where's Jooheon?," kita ko ang pagkibit balikat ng lahat sa tanong ni I.M.


Sa sitwasyon ngayon, si Jooheon talaga ang apektado. His girlfriend was behind all of this. Sana nga ay maging maayos din to.


Napatingin naman ako sa cellphone ko nang magvibrate ito. A text from Ally.

"Guys, we need to go to the Dean's Office, nakabalik na si Ally kasama ang dad ni Mozy," napatingin ang lahat sakin pati ang lutang na si Hyungwon.

Walang nagsalita pero lahat kami ay lumabas ng Hideout.


"Hindi ko aakalaing makikilala natin ang dad ni Mozy sa ganitong sitwasyon," rinig kong saad ni Kihyun.

Pareho kami ng iniisip ngayon. We failed, she's our Queen pero hindi namin sya naprotektahan. Dito pa sya sa academy napahamak.

"Sundalo ang dad ni Mozy diba?," ramdam ko sa boses ni Wonho ang takot at pangamba. Dapat lang talaga kami matakot ngayon, dahil sa nangyari kay Mozy ay lagot talaga kami sa dad nya.


"Aminin nating kasalanan natin ang mga nangyari and let's face the consequence," saad ko. Yun ang dapat naming gawin ngayon.


"Tama si Shownu," pahayag ni Alaska.

Natahimik ang lahat matapos yun at mabilis kaming naglakad patungo sa office ni Ally. Nang nasa labas na kami ng office ay ako na ang kumatok. Sumenyas ako sa kanila na pumasok na kami at nang tuluyan akong makapasok sa office ay una kong nakita si Mr. Harfhilia.

Napatayo sya at napatingin samin. Anong ginagawa nya dito?


"Sir," nasabi ko. Tiningnan ko si Ally. Ngumiti lang sya sakin. Nagbigay galang din ang iba sakanya. Tinatawag naming sir si Mr. Harfhilia dahil sya lang naman ang may-ari ng Monsta X Academy. Mas malaki ang share nya dito sa academy at dahil na rin sya ng leader ng clan ng mga magulang namin noon. Sikat sya sa gangster world, he's a legend.

"Boys," ani ni Mr. Harfhilia.


Tiningnan ko ang iba at katulad ko ay bakas sa mga mukha nila ang pagkalito. Nakakalito to. Nasaan ang dad ni Mozy?

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now