23:~22 Days Later

19.6K 642 40
                                    

Ch.23.Pt.1~Delilah

Chapter Song: Airplane by iKON

"Shownu ingat kayo,"-Kihyun.

"Babalik naman kami sa isang linggo"-Beauty.

"Invited kami sa sakal---I mean kasal ah,"-Wonho.

"Matagal pa yan,"-Shownu. Nagtinginan sila ni Beauty. May chemistry ❤.

Tapos tiningnan naman ako ni Beauty. Nginitian nya ako. Alam ko ang ibigsabihin nyan.

"Salamat talaga Delilah,"-Beauty na lumapit sakin at niyakap ako. Niyakap ko rin sya.

"Yieee..ingat kayo sa Korea!," sabi ko nang kumalas kami.

Nga pala. Nakalimutan kong sabihin na nasa airport kami ngayon. Kailangan samahan ni Shownu ang fiancee nya pabalik dun. Emergency daw e. Naiisip ko nga na baka ipapakasal na sila dun.

"Ako na bahala sakanya," sabi ko ulit kay Beauty.

"Salamat talaga Delilah,"

Nagpaalam kaming tatlo sa dalawa. Hindi nakasama ang iba sa paghahatid dahil busy. Ewan, hindi ko rin mahagilap ang dalawa, si Alaska at Miesza.

So ayun, bumalik din naman kami sa MXA. Tahimik kaming tatlo at himala ngang tumahimik ako habang nasa taxi kami.

"Ano yung sinabi mo kay Beauty, Delilah?,"-Kihyun.

"Wala yun, gusto nya lang bantayan ko daw kayo," sagot ko.

Well. That's a lie actually. Ang totoo ay binilin sakin ni Beauty si Hadley. Hindi na ako umayaw dahil okay lang naman.

"Para naman kaming mga bata,"-Wonho na nasa tabi ko.

"Mga isip bata mismo," sagot ko.

"Nagsalita ang isip bata," hindi ko sya tiningnan.

Kahit anong iwas ko sa lalaking to ay useless kaya kinalimutan ko na lang ang gabing iyon. Move on, move on rin Delilah katulad ni Miesza. Pero bumalik na nga ang pagka-inis ko sakanya. Nakakaasar na sya minsan. 😑

"Hoy tama na yan. Mahiya nga kayo kay manong," sita ni Kihyun.

Rinig ko ang pagtawa ni manong driver. Parang katulad kay Santa Claus ang tawa nya. Kulang na lang magsabi sya ng "Merry Christmas!"

"Kayo ba ay mga studyante ng Monsta X Academy?," tanong ni manong.

"Opo manong, bakit?,"-Kihyun.

"May nakaiwan nito. At satingin ko ay yung babaeng pasahero ko noong dumaang gabi. " may inabot si manong kay Kihyun.

"Kay Mozy!," I squealed nang mabasa ko ang sulat ng nameplate.

Nagtiginan kaming tatlo.

"Kaibigan nyo ba ang may-ari nyan?," nagsitanguan kami.

"Hindi ko na nasauli dahil nagmamadaling lumabas ang kaibigan nyo,"

Kinuha ko kay Kihyun ang nameplate nya.
Naisip ko tuloy na destiny to. Tinuturo kami ng destiny sakanya.

"Kamusta na ang kaibigan nyong iyon? Sa pagkakantada ko kasi ay panay ang iyak nya. Binigyan ko pa sya ng tissue na hindi naman nya tinanggihan,"

Gosh. Bakit nga kaya sya umalis. Kung hindi dahil kay Hadley. Ano?

"Manong, may sinabi po ba sya sainyo kung saan sya pupunta?," tanong ni Wonho.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now