21:~15 Days Later

19.7K 645 67
                                    

Ch.21.Pt.1~Miesza

Chapter Song: If You Ever Comeback by The Script

"Hooh! Go Mark! Go Go Go!,"-cheerleaders ng Mendleton High. Ang sakit sa tenga ng cheer nila. May halong tili.

"Go Boys! Lavan!,"-Delilah na todo sa pagcheer kina Wonho. Gumawa pa talaga sya ng pompoms. Sa totoo lang ginawan nya rin kami ni Alaska, pero heto kaming dalawa at nakaupo lang.

"Wala si Hyungwon kaya baka matalo tayo,"-mga babae sa likuran namin. Nga pala. Kumalat na sa academy ang tungkol sa pagkawala ni Mozy. It's been 1 month and 15 days. Kaya panay na sa paghahanap si Hyungwon.

We all want to see her again. Tama na ang isang buwan at 15 araw.

"Hoy Wonho! Ayusin mo ang paglalaro!,"-highblood na saad ni Delilah dahil nakashoot ang taga Mendleton High. Parang girlfriend lang?

Nakakabingi na. Gusto ko na umalis dito. Not a fan of basketball at ayokong magcheer sa kahit kanino sakanila.

"Hoy Miesza! Be supportive naman!,"-Delilah na tinapunan ako ng pompoms.

"Manigas ka dyan," sagot ko.

"Panay tingin sayo si Youngjae o!,"-nguso ni Delilah. Syempre hindi ako tumingin. Bakit ko naman titingnan kung nakatingin nga si Youngjae sakin? Hindi naman big deal yun. Duh. Edi tingnan nya ako hanggang sa mapagod sya.

Tiningnan ko naman si Alaska. Busy sya sa cellphone nya.

"Hoy naglalaro ang Kihyun mo. Sino yang katext mo?," tiningnan ako ni Alaska.

Hindi maipinta ang mukha nya.

"Miesza. May dapat yata akong sabihin sayo," tinaasan ko sya ng kilay.

"Don't tell me may ka affair ka?," sinapak nya ako.

"Masakit yun a," saway ko.

"Hindi yun!," sagot nya.

"Labas na muna tayo. Hindi ko na kayang itago to," sabi nya saka hinila ako palabas ng gym.

Humalukipkip ako at tiningnan ko sya.

"O. Ano na? Anong aaminin mo?," hinila na naman nya ako palayo.

"Saan ba tayo Alaska?," tanong ko. Natigil din naman sya.

"Sabihin mo na," utos ko. Pa thrill pa tong si Alaska!

"Ano kasi---," napakagat sya ng labi nya.

Iba ang pakiramdam ko sa kinikilos ni Alaska. Napapansin ko na parating syang balisa at wala sa sarili sa mga nagdaang araw.

"Omg. Don't tell me buntis ka?,"

Sinapak nya ulit ako. Nakakarami na ang babaeng to!

"Baliw! Bakit naman ako mabubuntis!," nagkibit-balikat ako.

"Malay ko ba kung anong ginagawa nyo ni Kihyun kapag magkasama kayo," sinamaan nya ako ng tingin. Okay. Mali ako. Hindi pala buntis si Alaska.

"Stop watching rated xxx Miesza. It's not healthy," sya naman ang sinapak ko.

"Eww! Anong tigilan! I'm just kidding Alaska! Seryoso ka masyado," umirap ako. My virgin,pure and innocent eyes! Di ako ganon no!

"It's not about Kihyun. It's about Mozy," natigilan ako.

"Don't tell me alam mo kung nasaan sya?," tanong ko.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now