22:~20 Days Later

19.1K 611 29
                                    

Ch.22.Pt.1~I.M

“Mr. Preston,” -Sir.

“Binabati kita. You're improving,” sabi nya pa sabay bigay ng test paper ko. Kahit maganda ang sinabi ni Sir ay kabado parin akong tingnan ang nakuha ko sa exam sa Philo 2.

Isa..

Dalawa...

Gulat na gulat kong tiningnan ang score ko.

Nilingon ko si Erica Erah.

“Pa-sa-do,” I mouthed.

Abot mata naman ang ngiti nya. I need to thank her for being patient with me. Kung hindi dahil sakanya ay mababagsak na talaga sa subject na to at baka hindi ako makasali sa mga gagraduate ngayon. Kahit naman isa ako sa mga may-ari ng school na to ay hindi ako pwedeng bumagsak.

Kaya pagkatapos ng klase naming iyon ay sabay kaming bumaba ni Erica Erah ng building.

“Uhm..salamat talaga Erica Erah,” nahihiyang sabi ko.

“Hmmm..walang anuman I.M,” sagot nya.

Natahimik kami matapos iyon.

Ano na I.M? Yun lang ang sasabihin mo?

“Uhh...ano. Punta tayo sa Cafeteria,libre kita,” tiningnan nya ako. Mukhang nag-iisip pa sya pero tumango din naman.

“Pero dumaan muna tayo sa locker room, may kukunin lang ako. Ayos lang?,” sabi ko.

Tahimik ulit kami. Ganito talaga kapag magkasama kami. Lalo na sa Library, mas lalong nabingi ang tenga ko sa pagiging tahimik nya, pero magaling syang magturo kaya nga nakapasa ako sa exam namin sa Philo 2.

“Mabilis lang ako,” sabi ko nang makarating kami sa locker room. Mabilis akong pumasok saka binuksan na nga ang locker ko.

Ay. May letter na naman at chocolates. Gusto ata ako magkadiabetes. Galing na naman kay Bear.

“Hindi ba sya napapagod na sulatan ako?,” napailing ako tapos kinuha na ang sadya ko.

Pagkalabas ko ay pansin kong nakatingin sya sa hawak ko.

Yung letter ni Bear.

Agad ko namang tinago.

“Uhh..Ano yun?,” tanong nya.

Kakahiya namang sabihing love letter yun.

“Ahh..listahan ng pinagkakautangan ko?,” sagot ko.

Anong klaseng sagot yun I.M? Listahan ng pinagkakautangan pero may disenyo ng puso at teddy bears ang envelope?

“Gusto mo? Sayo na lang. Hindi ako mahilig sa matamis,”-sabi ko sabay abot ng chocolates.

“Para naman talaga yan sayo,” sagot nya.

“Ha?,”-Ako. Hindi ko narinig e. Binulong nya kasi.  Sayo lang ang narinig ko.

“Ah..ano pala I.M. May gagawin pa ako---Uhmmm..sa susunod mo na lang ako ilibre,”sabi nya at umalis kaagad.

Hindi pa nga ako nakakapagpaalam.

Pinanood ko na lang syang tumakbo palayo hanggang sa makaliko sya.

“Hoy. Anong tinatayo-tayo mo dito? Nahihintay ka ng himala?,”-Wonho.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Pero teka.

Di kaya umalis si Erica Erah dahil nakita nya si Wonho?

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now