Special Chapter~Alaska

24.8K 988 46
                                    


Chapter Song: Until You Were Gone by Chainsmoker



"I.M, nakita mo ba si Mozy?," hinarap ako ni I.M, he's actually eating, (isa pala syang zombie ngayong gabi. Hot zombie. )Kasama nya si Shownu na isang werewolf at nakasuot ng Captain America na costume si Wonho.


"Nope. Hindi ko pa sya nakikita dito," I nodded.


"Bakit may problema ba?," tanong ni Shownu. I'm not actually sure Shownu. Umiling na lang ako.

Pinasdahan ko ng tingin ang party site. Wala akong makitang Snow White. Nasaan na kaya ang babaeng yun at si Cindy? Akala ko ba magkasama silang pupunta dito? Ang tagal tagal nila.


Nang makita ko si Kihyun (for this party naging isang Frankenstein sya) agad akong lumapit sakanya. Actually kanina pa kami nagkita, kaya nga napapaisip ako kung nasaan si Mozy.


"Nahanap mo na sya?," tanong ko. Umiling sya.

"Tinawagan mo na ba?," he asked.


"Yeah. Pero hindi ko na sya macontact ngayon," sabi ko. Wala naman sigurong nangyaring masama sa babaeng yun. Diba?


"Nasa paligid lang sya, don't worry," muli akong napatango kay Kihyun. I don't know pero parang may masama akong kutob. Kapitin kasi ng gulo si Mozy kaya nag-aaalala ako.


"I'll get you a drink, stay here," pinanood ko ang pag-alis ni Kihyun.


Hindi pa nakikita ni Mozy tong ayos ko at wala pa kaming picture together! Saan ba nagsususuot ang babaeng yun? Hindi ko maeenjoy ang party na to kung wala sya!


Nilibot ko muli ng tingin ang paligid. Madali lang mahahanap si Mozy kung andito yun. Pero paano kung wala? Damn. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon.


Nang makita ko si Minhyuk (he's a vampire) ay lumapit ako sakanya.

"Have you seen Mozy? Can't find her anywhere," sumbong ko.

Tumango sya. Thank God!


"Kanina nakasalubong ko sya at sabing papunta daw sya sa locker room," okay baka andun pa sya ngayon. Pupuntahan ko na lang.


"Sige Minhyuk, thanks!," paalam ko, nagtatakang tiningnan nya ako. Mabilis akong umalis sa Camping Site. Sorry Kihyun, uunahin ko muna si Mozy. Kinakabahan kasi ako ngayon.


Patakbo kong tinungo ang locker room na nasa Monsta Building. Medyo madilim dahil yung corridor lang ang may ilaw habang patungo ako.


Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Cindy. She's crying. Gulat na gulat at balisa sya nang lapitan ko sya. Hindi rin sya makatingin ng diretso sakin.


"Hey! Anong nangyari? Nasaan si Mozy?," hindi nya sinagot ang tanong ko at mabilis na umalis. Parehas pa sila ni Mozy na Snow White ang costume.


Nagtataka ko syang sinundan ng tingin. May nangyari kaya? Nanlaki ang mga mata ko nang maisip kong meron kaya nagmadali akong pumunta sa locker room. Muntikan pa akong madulas dahil nakasuot ako ng heels at naabutan ko nga si Mozy. She's unconscious at buhat buhat sya ni Hyungwon? He's back?


"W-what happened to her?," napirmi ang tingin ko kay Mozy. Mukhang nagdurugo ang ulo nya!


"We need to rush her to the hospital," pahayag ni Hyungwon na agad ko namang sinunod.


Aagd ko ring sinabihan ang mga boys sa mga nangyari kaya natigil ang Holloween Party. Natahimik ang academy ( pero napuno ng chismis.)


Pinanood namin na ilagay si Mozy sa isang stretcher at ipinasok sa ambulansya. Nakarating na din kay Ally (Dean) ang balita kaya sya na ang sumama sa pagdala kay Mozy sa hospital. Hindi nya kami pinayagan na lumabas ng academy habang hindi pa alam ang totoong nangyari. But I have this strong feeling that Cindy knew something. At pipigain ko sya hanggang sa may makuha ako.



Nang tuluyan ng umalis ang ambulansya ay pianaulanan ng tanong si Hyungwon tungkol sa mga nangyari.


"How did you find her?," tanong ni Minhyuk. Tumikhim si Hyungwon.


"I always find her," pahayag nya saka umalis sa harap ng mga boys.


"I think we need to ask Cindy instead of Hyungwon," napatingin anim sakin.


"What dyou mean si Cindy?," tanong ni Jooheon.


"I'm sorry Jooheon but I think may kinalaman si Cindy sa nangyari kay Mozy," saad ko. Alam kong nambibintang ako sa sinabi ko pero malakas ang kutob ko tungkol kay Cindy.


"Alaska are you sure?," tinanong ako ni Kihyun. Alam kong hindi kapani-paniwala na may kinalaman si Cindy sa mga nangyari.


"Yeah, nakita ko sya kanina," sagot ko.

"Kung hindi kayo naniniwala, fine, but I need to see her," ani ko.


I did not wait for their approval at nagsimula ko ng hanapin si Cindy. Bahala sila kung hindi sila kumbinsido sa sinabi ko. I need to do something for my friend. Kapag nalaman kong tama ako, I will make her pay. From the moment I met Cindy, I can feel that she's really hiding something. Kaya hindi ako masyadong dumidikit sakanya. Isa yun sa mga abilities ko. I can sense when someone is fake, but still, I considered her as a friend dahil kay Mozy. Unlike Mozy, nang una ko syang makita sa Camp Deli ay alam ko na that she has this golden heart.


Dahil magaling ako sa paghahanap ay nahanap ko nga sya. Nasa rooftop sya ng Building F at nakatayo sya. Wait don't tell me may balak syang tumalon?


"What the hell are you doing Cindy?!," napalingon sya. I can see that she's really afraid?

"Leave me alone Alaska," hindi ko sinunod ang gusto nya. Lumapit ako.
"Shut up and stop this madness!," umiling sya.


"I killed her," I can taste the flavor of regret.


So I'm right. Sya nga ang gumawa nun.Hindi talaga nagkakamali ang kutob ko. Simula nung may mangyari sa closet ni Mozy, may kutob akong nasa mga tao lang na nakapalibot ang gusto manakit sakanya. And I'm totally right, it's her friend.


"Yun naman ang gusto mo diba? You succeeded then why are you committing suicide? You should be happy that finally, you hurt her,you won Cindy," pinunasan nya ang luha nya. She's crazy.


"But she's my friend," nakangiti nyang saad. Nasa huli nga ang pagsisisi.


"It's too late for that Cindy, pero paano mo maitatama ang lahat kapag tumalon ka dyan. Pull your shits together girl," ganito ako magbigay ng advice. Pasalamat nga sya at hindi ko sya tinulak dyan sa kinatatayuan nya even though I think she deserved that.

"Bumaba ka na, you know Mozy. Kahit gaano pa kasama ang ginawa mo sakanya, she will still forgive you. Don't waste that Cindy," dahan-dahan nga ay bumaba sya at napaupo na lang habang umiiyak.



"You're the one who ruined yourself but also, you're the only you could fix yourself," tinalikuran ko sya. This is her punishment. Nothing's more dangerous than your own thoughts at alam kong kinakain na sya ng konsensya nya ngayon.


"Ipagdasal mo na lang din na hindi malala ang nangyari kay Mozy, dahil alam kong hindi mo to makakalimutan habang buhay kapag namatay sya dahil sayo,"

I bite my lower lips after saying that. I hope Mozy's fine.





×××

Will be flooding special chapters ❤😢

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now