3: Trespasser

56.3K 2K 231
                                    

Chapter Song: Trespass by Monsta X

Mabilis kong inayos ang mga damit ko sa cupboard. Hindi naman gaanong madami ang mga dinala kong gamit. Puro nga pagkain ang laman ng isa kong bag. Sweets and Biscuits.

And speaking of sweet, I'm currently eating a bar of chocolate. Stress reliever ko. Nabadtrip ako sa lalaking yun. Sa dinami-dami ng kwarto dito sa Monsta X Academy ay dito pa talaga napadpad sakin.

Pinagpantasyahan ko pa naman sya dahil sa sobrang gwapo nya. Pero binabawi ko na. How rude of him! Sya pa nga tong trespasser! Sya pa tong may ganang manglait! Cutie nya mukha nya. Regaluhan ko kaya sya ng bra ko para makita nya na hindi ako flat!

Pasalamat talaga sya na wala akong maipintas sa physical appearance nya, yung ugali na lang ang pipintasan ko. Kinuha ko ang cellphone ko. I looked at his picture again. I pressed the delete button at isang tap pa ng yes ay tuluyan na syang mabubura.

But I pressed the cancel button.

Napabuntong hininga ako. Nasasayangan ata ako na idelete ang mukha ng lalaking yun. Baka may magamitan ako sa mukha nya kaya hindi ko na muna idedelete to.

"Goodevening Monbebes!,"

Napabangon ako nang marinig ko iyon.

Monbebes?

"As you all know, there will be a party for the freshmen and transferees to welcome them in Monsta X Academy. But! There will be a twist for this tonight's event!,"

Twist? Ano kaya yun.

"You all know Prince Hyungwon right?,"

Umiling ako. May prinsipe ba dito? Sabagay, kung titingnan ang Monsta X Academy ay kapani-paniwala naman ang pagkakaroon ng mga royalties dito.

"I bet all the freshmen and transferees are all aware of his goddamn existence! So, the twist for this tonight is!," narinig ko ang isang drumroll.

"A hide and seek game!,"

Kumunot ang noo ko. Maglalaro kami ng hide and seek sa gabing to? This academy is really something. Tsaka ako lang ata yung hindi nakakakilala ng Prince na yun.

"Whoever finds Prince Hyungwon will win and the prize will be a date with him!,"

I swear, tumili talaga yung announcer. At ano naman ang prize na yun? Big deal ba talaga yun? I'd rather have a burger than a date with that Prince.

"So wear your best attire and enjoy this night Monbebes!,"

Muli akong nahiga sa kama matapos kong marinig ang anunsyong iyon.

Ano bang klaseng twist yun? I'd rather enjoy the party than to waste my time in finding the Prince Ass whatever.

So pagdating ng 6:30 ay naligo na ako at nalula na naman ako sa sobrang ganda ng banyo, kasing laki ng kwarto ko sa bahay namin ang banyo dito.

At matapos kong maligo sa pinakamagandang banyong nakita ko sa tanang buhay ko ay nagbihis na ako. Simple lang ang sinuot ko, isang plain black loose top na pinatungan ko ng cardigan at highwaist. And a pair of sneakers. I'm trying to be lowkey as possible. Kagaya ng gusto ni dad.

Sinuklay ko ang natuyo kong buhok saka napagdesisyunan ko ng lumabas ng kwarto and I make sure that it's locked. Pati na rin yung bintana na pinasukan nung cutie.

Pagkababa ko sa building ko ay rinig na rinig ko ang music na alam kong nanggagaling sa camp site.

Hindi parin maalis saakin ang mamangha sa Monsta X Academy dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa bawat building na nadadaanan ko. Christmas na ba?

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now