7: Problema mo!

21.8K 729 14
                                    

Ch.7. Pt.1~Mozy

Chapter Song: Ooh Ahh by Twice

"George!," tawag ko. Hindi. Habol ko pala. Naghahabulan kami ng kapatid ko.

"Ang bilis naman tumakbo ng kapatid kong yun," nasabi ko. Nawala na lang sya bigla. Ang laki pa naman ng Monsta X Academy.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hinihingal ako ng sobra.

Kakausapin ko lang naman sya. I mean, kakamustahin. Hays Mozy. Ayaw parin talaga. I need to try a little harder.

Natigil naman ako sa paglalakad nang mapunta ako sa locker room ng boys. Nakita ko na naman yung nakita namin ni Alaska nung isang araw. Pumasok ako. Dahil nakatalikod sya ay hindi nya alam ang presensya ko.

"Miss?," tawag ko at nagulat sya na hindi ko sinasadya.

"Pasensya ka na," sabi ko at tinulungan syang pulutin ang mga nahulog na candies? Chocolates? Letters?

Tiningnan ko sya at nakatungo sya. Hindi sya makatingin sakin.

"It's okay. Hindi ka dapat mahiya sakin. I think normal lang naman na magbigay ng regalo sa taong gusto mo," napatingin sya sakin dahil sa sinabi ko.

"Uhh---," napaayos sya ng salamin nya. Maganda naman sya. Cute nga e dahil sa cheeks nya.

"Queen," aniya.

"Nako. Don't call me Queen," sabi ko. Napatingin naman ako sa nameplate nya. Oh. Erica Erah Cervales. 3rd Year.

"Pasensya ka na ulit. Hindi na dapat kita nilapitan, sorry for interrupting," sabi ko. Umiling naman sya saka nilaro-laro ang dalawang kamay nya.

"Ano po kasi. Uhh--diba, kilala nyo po---si I.M?," agad na napatingin ako sa locker na nilalagyan nya kanina.

Napatango ako.

"Yes. Kilala ko sya," lumapad na ang ngiti sa labi ko. Balita ko kasi sa mga boys ang tungkol sa pagkakaroon ng admirer ni I.M. Mukhang alam ko na kung sino.

Napaayos sya ulit ng salamin nya.

"Uh..Queen," aniya.

Gulat ako nang lumuhod sya sa harap ko.

"Please! Huwag nyo pong sabihin kay I.M to. Pakiusap Queen!," mabilis ko syang pinatayo.

"You don't have to kneel down. Hindi naman ako spoiler kaya wala akong babanggitin kay I.M tungkol dito," pahayag ko. Pakiramdam ko ay parang maiiyak sya.

"I promise," dagdag ko pa. Mabilis nya akong niyakap. Ang higpit ng yakap nya sakin.

"Salamat talaga Queen! Ang bait-bait nyo po!," sabi nya saka kumalas.

"Gusto mong kumain?," alok ko. Nagugutom na kasi ako dahil napagod ako sa katatakbo. Saka wala akong kasama. Si Alaska tulog dahil napuyat yun kagabi na magsulat ng 100 reasons para kay Kihyun. Tapos si Miesza ay tulog din dahil kailangan nya ng beauty rest. Ako lang talaga ang pumasok ngayon kahit na antok din ako.

Pumayag si Erica Erah (Hindi ko alam kung anong itatawag ko sakanya, kung Erica o Erah ba kaya pareho na lang.)

"Libre na kita Queen," sabi nya.

"Sige, pero kape lang ay ayos na tsaka huwag mo na akong tawaging Queen. Mozy na lang, " kita ko sa mukha nya na ang pagdadalawang isip nya.

"T-talaga? Pero, hindi naman tayo mag--"

"Kaibigan?," dugtong ko.

"Ayaw mo ba akong maging kaibigan?," tanong ko na agad nya naman inilingan.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now