21: Savior

35.7K 1.2K 85
                                    

Chapter Song: Perfect Girl by Monsta X

Nang marinig ko ang bell ay sakto ang dating ng text ni Cindy. Sabay daw kaming kakain ng lunch dahil madami syang ikukwento sakin. At alam ko kung sino ang ikukuwento nya. That Miesza.

Hindi nga pala napasok si Minhyuk sa Humanities at nag-iisip ako ng dahilan kung bakit. Ganito ba talaga ang epekto ng pagdating ni Miesza sa Monsta X Academy?

Lumabas ako ng classroom at nakita ko nga ang kumakaway na si Cindy. Nginitian ko sya.

"Queen!," sigaw nya talaga kaya napatingin ang ibang studyante.

"Halika na Queen! May masamang spirit dito!," hinawakan nya ako sa braso.

Napag-alaman ko na lang na nasa harap na namin ang nakahalukipkip na si Miesza with her minions? May dalawang babae sa likod nya.

"Ang ingay naman ng girlfriend ni Jooheon. Bakit ba ang papangit ng taste ng mga boys ngayon? Pumapatol na sila sa mga walang class," an evil smile formed in her lips.

Pinigilan ko ang pagtangkang sugod ni Cindy sakanya.

"Tigilan mo sya Miesza. Huwag mo syang idadamay dito," saad ko.

Ngayon, nasa akin na ulit ang tingin nya. Bakit ba parati na lang kami nagkikita. Ang laki laki ng academy na to pero mukhang maliit para saming dalawa ni Miesza.

"Tigilan? Titigil lang ako Mozy kapag hindi sya makikialam dito,"

Hayaan mo na sya Mozy. Just leave.

"Tara na Cindy,"

Hinila ko si Cindy palayo sa Miesza na yun. Inis na inis naman si Cindy sakanya. Napailing na lang ako.

"Kapal talaga ng mukha ng babaeng yun! Hindi mo sana ako pinigilan Queen para nakatikim ang bruhang yun!," inis na inis nyang saad hanggang sa makapunta kami sa Dining Hall.

Pagkakuha namin ng pagkain ay umupo kami malayo sa mga boys. Girl time.

Wala akong ganang kumain ngayon sa totoo lang. Busog na busog ako sa pang-aaway ni Miesza sakin.

"Hay nako Queen. Lumipat ka na ng kwarto! May balak talaga ang babaeng yun sayo. Maniwala ka,"

Uminom ako ng juice. Alam ko na maaaring tama si Cindy pero hindi parin ako aalis sa kwartong yun.

Sino ba talaga tong si Miesza?

"Cindy. Tell me about her. Alam kong alam mo ang tungkol sakanya,"

Tiningnan nya ako. Mukhang mahaba-habang usapan to.

"Miesza Davios Caddy is her fullname pero mas kilala sya bilang Evil Queen. Dahil bully sya at makaasta ay akala mo kung sino. Kung may award nga sa pagiging masama ay nahakot na ng babaeng yun," ramdam ko ang pagkairita ni Cindy.

Being called an Evil Queen was never a good title.

"Naging Queen lang naman sya dahil umalis ang pinakaunang Queen ng Monsta X Academy at dahil girlfriend nga sya ni Minhyuk noon at nasa ikalawang pwesto rin si Minhyuk ay automatic na napunta sakanya ang title,"

Hmmm...

"Talaga bang nagustuhan sya ni Minhyuk? I mean. Kung ganun kasama si Miesza nagtataka ako kung paano nya nakuha ang mga loob ng boys," I wondered.

Inilapit ni Cindy ang mukha nya.

"Dahil nga fake sya. Nagbabait-baitan kapag andyan ang mga boys pero kapag nakatalikod na ay sobrang sama nya! Magaling syang magkapaikot ng tao. Maniniwala ka bang nabaliw si Minhyuk sakanya?,"

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now