36: Flashback

28.9K 1.2K 191
                                    


Chapter Song: Summer Lover by f(x)





Nginitian ko si Kihyun nang makalapit sya sakin. Bigla akong kinabahan sa di ko malaman na dahilan. Pero ganito yata talaga kapag sasabihin mo sa isang tao ang nararamdaman mo.

Huminga ako ng malalim bago magsalita pero naunahan nya ako.

"Can we talk?," he asked.

Mukhang pareho kaming may sasabihin sa isa't-isa.

Tumango ako.

Nagsimula kaming maglakad patungo yata sa field (may mga upuan kasi dun at tahimik.)

Pinasadahan ko ng tingin ang tahimik na field saka tiningnan ko sya.

"May sasabihin ako sayo Kihyun," saad ko. Hindi nya ako tiningnan dahil nasa malayo ang tingin.

"Ako muna Mozy," he said.

"I'm so biased and an asshole. Hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa nakaraan ko. Dapat malaman mo ang tungkol sakin at kay Alaska," aniya.

Napatango ako. Alam kong 'meron' silang kung ano ni Alaska dahil  sa yakap at linyang sinabi nya sa kwarto.

"She was my girlfriend," kita ko ang pangiti nya.

"Pero bigla lang syang nawala. She escaped here without saying anything. Kaya ganon na lang ang naging reaksyon ko kanina," he explained.

Naaalala ko ang sinabi ni Cindy sakin noon, na umalis ang first Queen kaya naging Queen si Miesza. But I didn't know she left them hanging.

"I missed her. I'm so inlove with her pero iniwan nya lang ako ng ganon. Nakakatrauma. Pero hindi ibig sabihin nun na ginamit lang kita Mozy. Totoo, may gusto talaga ako sayo at masaya ako kapag nakikita at kasama kita. Lahat ng mga pinakita ko sayo ay totoo, please don't doubt that," tiningnan nya ako.

   "I know it's too late for my explanation but please Mozy. I was honest when I said I like you,"

    "I know. Ramdam ko naman yun Kihyun. I know you care for me at hindi ko iniisip ang salitang ginamit. Satingin ko kasi, lahat tayo ay biktima lang ng sitwasyon," nginitian ko sya.

    "Kaya gusto kong sabihin ang nararamdaman ko sayo," kinakabahan akong magpatuloy magsalita pero kailangan kong sabihin to. Once and for all.

    "Gusto kita," sabi ko at huminga ng malalim.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakakahiyang umamin.

    "Pero hindi ako sigurado. Hindi ko masabi kung gusto ba kita bilang kaibigan o higit pa sa kaibigan. Hindi ko talaga masabi Kihyun," iniwas ko ang tingin ko matapos sabihin yun.

    "Alam kong nakakalito ang mga sinasabi ko ngayon sayo. Pero pinag-isipan ko talaga to lalo na ng sabihin ni dad na okay na sya sa panliligaw mo sakin, kaya gusto ko ng ibigay ang sagot ko sayo ngayon," hinawakan ko ang kamay nya.

    "Hindi dahil sa pagdating ni Alaska ang sagot kong to kundi sa puso ko mismo," hinawakan nya rin ang kamay ko. Mahigpit iyon.

    "Gusto kita pero hindi sapat para maging tayo,"

     I finally said it.

   Alam kong pwedeng magbago ang sitwasyon sa sinagot ko pero wala na akong magagawa dahil nasabi ko na talaga.

Tiningnan ko sya. Nakangiti sya.

  "Ang sakit palang mabasted," saad nya.

   "Pero salamat sa mga sinabi mo Mozy," unti-unti kong naramdaman ang pabitiw nya sa kamay ko.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now