32: Stay Up

29.7K 1K 129
                                    

Chapter Song: All Night by f(x)







"Watch your steps Mozy," saad ni Wonho na nasa likod ko.

Kasalukuyan naming nilalakad ang madilim na gubat. Maingat kami sa bawat tapak namin dahil ang sabi nga ni Kihyun na marami daw patibong dito. Restricted ang lugar na to dahil private property to ng tito ni Kihyun at isa daw yun Hunter. Kaya nga kabado din ako. (May pagkaclumsy pa naman ako at madilim din)

Kaya abot-abot ang pag-iingat ko. Tumigil ako nang tumigil si Kihyun (nasa unahan sya).

"Sakanya to diba?,"

Mabilis na lumapit si Minhyuk kay Kihyun at tiningnan ang hawak ni Kihyun na tsinelas. Sa pagkakantanda ko nga ay kay Miesza yan.

"Yeah. Sakanya yan. Regalo ko dati," ani ni Minhyuk.

Inilawan ko ang paligid pero puno kahoy at mga dahon ang nakikita ko. Nasaan na kaya si Miesza. Kinakabahan ako sa nakita naming tsinelas.

"Magpatuloy na tayo at baka nasa malapit lang sya," saad ni Kihyun.

Naglakad nga kaming muli sa pangunguna ni Kihyun. Napakayakap ako sa sarili ko nang humangin ng malamig. Mukhang nasa gitnang parte na kami ng gubat dahil malamig na.

"Wala naman sigurong mga mababangis na hayop dito diba?," tanong ni Wonho.

"Wala naman pero patibong marami," sagot  ni Kihyun.

Napatango ako kahit na hindi naman ako ang nagtanong. Maya-maya ay tumigil ulit kami dahil dead end na. (Bangin na kasi.) Buti nga at alam ni Kihyun ang tinatahak namin kundi lahat kami ay gugulong sa bangin na yun.

Nakatutok naman ang flashlights ni Kihyun sa isang kweba.

"Papasok tayo dyan?," tanong ni Wonho. Pareho tayo ng tanong Wonho.

"We need to check this cave at baka napunta sya dito," sagot ni Kihyun.

Nauna nga syang pumasok tapos sumunod si Minhyuk, ako at huli ay si Wonho.

Ang dilim dilim talaga at may mga naririnig akong tunog na mukhang galing sa mga hayop na nakatira dito. Sana naman ay walang ahas!

Nagsimula naming tawagin ang pangalan ni Miesza. Umaalingaw-ngaw nga ang mga boses namin pero natigil din kami nang may mailawan si Kihyun.

Nanlaki ang mga mata ko nang makumpirmang si Miesza yun! Mabilis namin syang nilapitan at wala syang malay!

Inilawan namin sya habang chinicheck ni Minhyuk ang pulso nya.

"Okay lang sya. Nawalan lang ng malay," saad  ni Minhyuk. Agad din nyang binuhat si Miesza at pinasan sa likod nya.

Tiningnan ko ang walang malay na si Miesza. May sugat sya sa mukha pati narin sa tuhod nya.

Buti na lang talaga at nahanap na namin sya.

"Umalis na tayo dito," pahayag ni Kihyun at nagsitanguan kami.

Mabilis kaming lumabas sa lugar na yun. Sakto din ang labas nila Shownu na nakita kong pasan din ni Jooheon si Cindy.

Nilapitan ko sila.

"What happened to her?," walang malay din kasi si Cindy.

"Nahimatay sya dahil siguro sa pagod," sagot ni Jooheon. Napatingin sya kay Minhyuk na pasan-pasan si Miesza.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now