10: Erica Erah

21.9K 769 29
                                    

Ch.10. Pt.1~Mozy

Chapter Song: Fxxk It by BigBang

“I can't believe your sister Mozy. Dahil sakanya ugh!,”-Alaska.

“Sana hindi na lang sya nagsalita. Ayan tuloy hindi na tayo makakaattend ng ball!,”-Miesza.

Alam ko guys. Dismayado din ako. Sobra.
Hindi ko na nga alam ang dapat kong maramdaman ngayon. We're busted because of George. Yung gabing tumakas kami ay nakita nya pala kaming tatlo tapos sinabi nya kay Ally (Dean). Kaya ganito ang nangyayari ngayon.

“Ready na ang lahat tapos ganito pala ang mangyayari!,”-Miesza na tinapon ang unan sa bintana.

“It suppose to be a perfect date with Minhyuk!,” she added. I feel sorry for Miesza. I know that ball is very important for and my sister just ruined it.

“Ako na ang humihingi ng despensa para sakanya,” sabi ko. Tiningnan ako ng dalawa. Bakas sa mga mukha nila ang inis at panlulumo.

“Hindi mo kasalanan ang lahat Mozy. Don't be sorry and don't defend George,” napabuntong hininga ako sa sinabi ni Alaska.

Satingin ko ka lang kasi ay dahil sakin kaya nya to ginawa. Nadamay lang ang dalawang to. This is all about me.

“Galit na galit si Ally satin. Baka nga may dinagdag sya sa kwento nya para parusahan tayo ng ganito! Sorry to say this Mozy pero satingin ko talaga may lahi ni Cindy yung kapatid mong yun!”-Miesza.

Gusto kong matawa sa sinabi nya pero hindi ko magawa.

“Wala na tayong magagawa. We're banned. We can't attend the ball,”-Alaska.

Mukhang ganun na nga.

“Pero paano kayo ni Hyungwon? We're grounded right? Hindi tayo pwedeng lumabas ng kwartong to sa gabing iyon,” nagkibit-balikat ako sa sinabi ni Alaska.

Kaya siguro hindi ko talaga feel ang ball dahil mangyayari to.

“I think I need to postponed the surprise. Ibibigay ko na lang ang regalo ko sakanya sa araw na yun,” sagot ko.

“But you don't deserve this. That's suppose to be your night with him,” malungkot na pahayag ni Alaska.

“It's okay Alaska. Yun na lang ang tanging option natin,” sabi ko.

Pinanood naming tumayo si Miesza.

“What if...

Pareho kaming napailing ni Alaska. Alam namin ang pinupinto ni Miesza.

“Nope. We can't Miesza. Hindi tayo pwedeng tumakas ulit!,” pahayag ni Alaska na sinang-ayunan ko.

“Anong hindi? Pwede! Pwedeng pwede kung gustuhin lang natin!,” umaandar na naman ang ganitong ugali ni Miesza.

Humalukipkip sya.

“Ayaw nyo bang makasama ang mga taong importante sainyo sa ball? Dahil ako Oo! I want to be with Minhyuk on that night!,” nagtinginan kami ni Alaska.

“So I will sneak out again. Wala na akong pakialam kung grounded tayo,” sabi ni Miesza. I adore her for being tough.

Natapos ang usapan naming tatlo dahil nagtext si Kihyun kay Alaska na pumunta kami sa Hideout. Kaya ngayon ay pababa na kami.

“Anong meron?,”-Miesza.

“Ewan. Basta pinapapunta tayo ni Kihyun,”-Alaska.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now