Special Chapter: Miesza Caddy

28.4K 1K 80
                                    

Chapter Song: No More by f(x)

Inirapan ko ang mga nakatinging studyante sakin habang naglalakad ako patungo sa Hideout. What are they looking at? Ngayon lang ba sila nakakita ng ganito kagandang nilalang? Tch.

Anyway. Alam ko ang tungkol sa Hideout ng mga boys dahil doon din ako tumatambay kasama nila, noon. Yeah. I know past is past pero hindi ako papayag na mawala ang pinagsamahan namin! Kaya nga ako bumalik to clean my name.
Lalo na kay Minhyuk.

Alam kong mapapatawad din nila ako kapag narinig na nila ang paliwanag ko! Pero nahihirapan akong magpaliwanag ng side ko dahil lahat sila ay naniwala sa mga lecheng Burlington na yun! Hindi ko nga sila kilala! Paano ako makikipagtulungan sa mga kumag na yun? Nakakainis lang talaga dahil ako pa nga yung kinidnap tapos ako pa tong lumabas na masama. Hello? Ako pala yung nasaktan! Nasaksak nga ako!

Anyway. Pumasok na nga pala ako sa Hideout ang tahimik? Where are they? Hindi ko sila mahagilap! Pati na rin si Mozy! Pero hinala kong kasama ni Mozy ang mga boys. Sya ang Queen eh. Edi sya na talaga. Sya na ang mabait. Kainis.

Humalukipkip ako.

Naisip kong pasukin ang kwarto ni Minhyuk at maswerteng hindi ito locked.

Binuksan ko ang ilaw. Malinis at well arranged ang mga gamit nya. Hindi parin sya nagbabago. Hays. Namimiss ko na talaga sya! Nasaan ba kasi sila ngayon? Ang boring ng academy kapag wala sila. Inaamin ko ring namimiss ko si Mozy dahil wala akong maaway dito. Yung babaeng yun na close kay Minhyuk! Ugh! Nakakainis lang talaga kapag naalala ko yung sandaling pinigilan sya ni Minhyuk.

Alam kong hindi ko dapat sya inaaway dahil si Minhyuk naman ang lumalapit sakanya! Pero masisisi ko ba tong puso ko kung naiinis talaga ako sa babaeng yun? Lalo na nung nakita ko sila sa Cafeteria. Umiinit talaga ang ulo ko kapag naalala ang mga tingin ni Minhyuk sakanya! He used to look at me like that.

Binuksan ko yung drawer ni Minhyuk. Ngumiti ako nang makita ko yung picture namin noon. Atleast hindi nya pa to tinatapon sa basurahan. Ang laki kasi ng galit nya sakin. Nakakainis lang talaga inosente naman ako! Ang unfair!

Lumabas ako ng kwarto nya matapos kong magsenti don. I missed this place. Ang dami kong alaala dito. Nakakapanlumo talaga ang mga nangyari. But ofcourse hindi ako titigil na kulitin silang lahat. They will soon find out the truth that it wasn't me!

Hindi rin ako makapaniwala sa mga boys! I'm so disappointed when they did not believe me! Akala ko ng paniniwalaan nila ako! Pero hindi nga nangyari yun kaya heto ako at napagkamalang baliw.

Napatingin ako sa isang kuting na lumabas galing sa kwarto ni Hyungwon. Bakit may pusa dito?

Lumapit to sakin,sa paanan ko. Nanlalambing. Allergic pa naman ako sa pusa dahil nababahing ako.

Kaya bago pa ako mabahing ay mahinang tinaboy ko sya. Anong akala nyo sisipain ko sya ng malakas hanggang sa mawalan sya ng malay? Why would I do that? Hindi ako ganyan kasama! Spoiled Brat lang ako pero hindi ako Evil Queen katulad ng mga tinatawag sakin ng mga studyante dito.

Lumabas din naman ako ng Hideout at naglakad pabalik sa Building F. Nagbubulungan na naman ang mga lecheng students dito.

Pagkapasok ko sa kwarto ay napansin kong magulo? Wait. Sinong nanggulo dito?

Wait again. Puro gamit lang naman pala to ni Mozy. Pero hindi naman ganito ka kalat ang mga gamit nya kanina na iniwan ko ah? Baka mapagbintangan na naman ako! Please. Masyado akong busy sa sarili kong issue para pagdiskitahan ang mga gamit ng babaeng yun.

Pero seryoso. Ang kalat talaga parang may hinahanap e. Napatingin ako sa bintana. Bukas ba to kanina? Leche naman to at ang dami kong tanong sa isipan ko!

Sino ang pumasok dito? Di kaya yun yung taong gustong masaktan si Mozy sa Library? It's not me definitely! Ang bigat ng shelf na yun para itulak ng malambot kong muscles. Pero napapaisip ako ngayon. Mukhang may tao na gustong manira kay Mozy dito. Tho, wala naman akong pakialam kung meron nga pero mukhang gagamitin ako para mapagbintangan na naman. Hmmmm. Lumalabas ang pagiging critical thinker ko sa mga ganitong sitwasyon e.

Naputol ang iniisip ko nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Ano na naman kaya ang hot story ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang article!

"MONSTA X CLAN IS DEFINITELY BACK MONBEBES!," Ang title ng article.

Gosh. It's a good news then! Malaki na ang chance na mapatawad nila ako! Ako nga kasi yung dahilan ng pagiging inactive nila. Kahit na hindi naman totoo ang mga binibintang sakin!

Binasa ko ang article. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko na kung saan sila! Mukhang destiny na talaga ang nagtuturo sakin.

Napangisi ako. May naiisip akong magandang ideya.

Camp Deli. Here I come! Wait for me Minhyuk! Siguraduhin lang talaga ni Mozy na hindi sila magkasama ni Minhyuk kapag dumating na ako dun. Baka kasi makalbo ko na sya e.







Updated!

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan.

❤❤❤

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now