17: Holy Mother Of Pizza

20.1K 689 35
                                    

Ch.17.Pt.1~Miesza

Chapter Song: The way to find love by B1a4

“Hoy Wonho! Bitawan mo nga ako!,”-Delilah.

“Pwede mo na akong bitawan,” sabi ko.

Nagulat si Youngjae sa sinabi ko at mabilis nyang binitawan ang kamay ko. Feel na feel nya ang malambot kong palad no?

“What are you doing here! Stalker!,” singhal ni Delilah kay Wonho.

“Pasalamat nga kayo at sinundan ko kayo kundi nasali kayo sa raid!,”-Wonho.

So, sinundan talaga kami ng mokong na to. Bet nya talaga si Delilah. Sabi ko nga diba, hindi pa nagkamali ang kutob ko. Kita nyo yung kay Minhyuk,o diba? Tama ako.

Geez. Stop it Miesza.

“Let's go. Andito na ang mga pulis,”-Jackson? Malilimutin ako sa pangalan. Ang dami nilang hindi ko kakilala dito pero pamilyar naman ang mukha.

Anyway, sumakay na kami sa sasakyan. Rinig na rinig ko na nga na papalapit na ang mga pulis dahil palakas na palakas ang sirena.

“Si Darwin,” rinig kong sambit ni Delilah.

“Malalaki na ang mga yon. Yaan mo na,” sabi ko. Umiinom-inom na kaya dapat lang na responsable na ang mga yon.

“Di man lang tayo nakakanta,”reklamo nya ulit.

Yaan mo na Delilah. Maglalasing tayo sa loob ng academy. Bibilhan kita ng maraming beers. Mayaman naman ako.

Itinuon ko naman ang atensyon ko sa mga dinadaan namin. Sa likod kami ni Delilah kasama sina Wonho at iba pa.

“Daan muna tayo sa Convenience!,” walang hiyang pahayag ni Delilah. Sarap kurutin sa tagiliran ng babaeng to.

“Pwede ba?,” tanong nya kay Youngjae. At ang lalaking to ay tumango naman. Hay ewan.

“Okay lang ba? Baka may pupuntahan pa kayo,”-Wonho. Ayan, pagsabihan mo tong si Delilah Wonho na hindi sa lahat ng oras ay dapat maging walang hiya.

“Ayos lang Wonho. Negative na andito si Fire. Another fake information,”-Youngjae.

Nagbunyi sa tuwa si Delilah. Gusto talaga uminom ng babaeng to ano?

So ayun na nga, pinagbigyan ang request ni Delilah na tumigil kami sa isang Convenience Store. Mabilis na bumaba ang bruha at sumama ako sakanya sa loob. Ayokong magpa-iwan.

“Kuha ka lang Miesza! Libre kita,” sabi nya.

“I'm not poor, milyonarya ako pero sige,” sabi ko at narinig ko ang mahinang tawa nya.

Pumunta si Delilah sa mga beverages habang ako ay pumunta sa mga junkfoods.

“Dagdagan mo,” tiningnan ko si Youngjae na naglagay ng isang Nova sa basket.

“Damihan mo Delilah. Madaming iinom,” sigaw ko. Napatingin tuloy sakin yung kahera. Magbabayad naman kami miss! Bilhin ko pa tong Convenience eh. Flips hair.

Anyway, nakaharap ang malapad na  likod ni Youngjae sakin at namimili sya ng mga junkfoods.

Inalis ko na lang ang tingin sakanya saka kumuha ng madaming chicharon. Gusto kong kumain ng madami ngayon. Tsaka Y.O.L.O ako for tonight. I need to stop the
drama.

Mabilis naman kaming tumungo sa kahera at nilagay ang dalawang basket sa harapan nya. May pera kami miss.

Iba ang tingin nya saming tatlo, dahil siguro sa mga laman ng baskets. Naiisip nya sigurong ganito na ba ang mga kabataan ngayon? To answer that miss, it's a big Yes!

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now