1: The New Academy

83.9K 2.4K 210
                                    

MXA | ONE

Chapter Song: All in by Monsta X

  Nang makalabas ako galing sa sasakyan ay napirmi ang tingin ko sa malaking logo ng academy.

"Monsta X Academy," nasabi ko.

Napatingin ako kay dad nang tapikin nya ako sa balikat at dala-dala ang mga bagahe ko.

"Dad, sigurado ka bang dito ako mag-aaral?," natanong ko.

He pat my head.

"Yes sweetheart. You'll be fine here. And we talked about this. Bibisitahin naman kita, at magdadala ako ng mga paborito mong pagkain," ginulo nya ang buhok ko matapos sabihin iyon.

Sinaway ko si dad at nauna na ngang pumasok ng academy. Inayos ko ang buhok ko at patakbong sumunod kay dad.


Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Gosh. Ang laki naman ng skwelahang to. Ang lalayo pa ng mga buildings.  Mukhang triple ata tong laki ng Monsta X Academy sa huli kong paaralan. Kakailanganin ko ng tour guide dahil panigurado akong mawawala ako dito.

Papunta kami ni dad sa Dean's Office matapos namin ibigay sa Luggage Center ang mga dala ko. According to dad. Tapos na nya akong ienrol, interview na lang ang kulang.

Kinakabahan akong naghihintay sa Dean ng academy. Magkakaroon kasi ng kaonting interview para sa mga new enrollees sabi nga ni dad. May mga nakasunod din nga sakin. Apat ata yun.

Nang may pumasok na babaeng na nakasalamin at nakasuot ng formal attire ay nag-assume na ako na sya ang Dean. Pero masyado syang bata para maging Dean. Ang ganda kasi ng kutis parang nasa 20's palang to.

Binati ko sya at nginitian nya ako. Nakahinga ako ng malalim dahil mukhang mabait naman sya.

"Ms. Montgomory," napalunok ako sa pagbanggit nya ng pangalan ko.

"For our new students, we are actually giving them a warm welcome by throwing a party. Maswerte ka dahil Sembreak ngayon, so it means maeenjoy mo ang party," napangiti ako.

Hindi pa ako nakakapunta sa isang party kaya naexcite ako bigla.

"Thank you po, Dean," nginitian nya rin ako.

"So, you're the daughter of Mr. Aric, nice meeting you," nagulat ako sa sinabi nya.

"Magkakilala po pala kayo ni dad,"

Inayos nya ang salamin nya.

"Yes, we're friends kaya nya rin napili ang Monsta X Academy para sayo. You'll be fine here," napatango ako. Mukhang magandang balita nga yun.

"But don't expect special treatment just because of that," napailing agad ako.

"I won't Dean,"

Matapos akong kausapin ng Dean at makalabas ng office nya ay agad kong tinanong si dad tungkol sa pagiging magkaibigan nila ni Dean.


"Sinabi nya pala sayo. Si Ally talaga," totoo nga na mukhang close sila ni dad.


"Kaya magpakabait ka dito dahil malalaman ko kaagad ang mga kalokohan mo. Naiintindihan mo?," sinimangutan ko si dad.

Anong akala nya sa sariling anak nya?

"Nagmana po ako kay mom, kaya hindi po ako magpapasaway dito," saad ko.

Bumaba kami at papunta kami sa Department of Keys para sa susi ng magiging kwarto ko.


MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now