Ending Page

31.5K 1.1K 117
                                    

Chapter Song: Final Song by MO

Salamat at umabot ka hanggang dito 💞


      “Sinong nakabunot sakin? Ang daya naman! Ang mahal mahal ng regalo tapos ‘to lang ang matatanggap ko? Hustisya!,” nagrereklamong saad ni Wonho na hawak-hawak ang isang t-shirt. Maganda naman ang t-shirt saka mukhang bagay sakanya ang kulay, pero hindi ako nagbigay nyan.


       “Magpasalamat ka na nga lang! Ang mahal mahal din kaya nyang tshirt na yan! May price tag pa yan ungas!,” saad ni Jooheon, (so sya ang nagbigay nyan. )Pinanood kong tingnan ng masama ni Wonho si Jooheon.

       “O, diba? Ang mahal ng tshirt na yan,” pahayag ulit ni Jooheon nang tingnan nga ni Wonho ang pricetag. Natahimik sya matapos yun. Mukhang mahal nga talaga.


      “O, sunod naman! Ang regalong to ay para kay Minhyuk!,” ani ni Alaska. Sya ang tagabasa at tagabigay ng regalo sa ilalamin ng Chirstmas Tree.


   Tumayo naman si Minhyuk saka kinuha ang inabot na regalo ni Alaska. Lahat ay napatingin sakanya nang simulan na nyang buksan ang regalo nya.


     “Ow! Ang ganda tol!,” sabi ni Jooheon nang makitang ang isang pares ng sneakers. (Hindi lang basta sneakers kundi yung mahal talaga.)


      “Tingnan mo at baka may pricetag rin,” pabirong saad ni Wonho. Natawa si Minhyuk dahil dun.


       “Salamat,” sabi ni Minhyuk na nakatingin kay Miesza.


        “How did you know?,” tanong ni Miesza na katabi si I.M.


        “Dahil alam mo ang mga gusto ko,” sagot naman ni Minhyuk.

         Inulan ng tukso ang dalawa. Kita ko ang masayang ngiti ni Miesza.

       “Hoy Christmas ngayon! Hindi araw ng mga puso!,” singit ni Jooheon. Matapos ang mga nangyari, masaya ako kahit papaano dahil medyo okay na si Jooheon, minsan kasi nahuhuli ko syang tahimik at hindi kami sanay kapag ganun sya.


            “Okay! Tama na yan! Madami pa tayong bubuksan!,” pahayag  ni Alaska saka kumuha muli ng regalo sa ilalim ng Christmas Tree (at yung pinakamalaki.)


              “This next gift is for I.M!,”agad na tumayo si I.M saka mabilis na kinuha ang malaking regalo nya. Sa lahat sya ang may pinakamalaking regalo.

                 Napangiti ako nang simulan nyang punitin yung wrapper at nang makita nya ang laman nun ay agad syang napatingin sakin. Alam nyang sakin galing yun. Sino pa ba ang magbibigay ng Teddy Bear sakanya diba?


                    “Alam kong meron ka ng ganyan na binigay ko sayo nung mga bata pa tayo, pero gusto kong palitan dahil luma na. Sana nagustuhan mo,” tumango sya.


                   “Salamat Snow,” sagot naman nya. Ang weird parin sa pakiramdam kapag tinatawag nila akong ganon. Minsan nga complete name talaga. ‘Mozy Snow Montgomory Harfhilia’.

                     “O, tama na yan at baka magselos si Hyungwon!,” natawa si I.M sa pahayag na iyon ni Kihyun.


   Pinasadahan ko ng tingin ang katabi kong si Hyungwon, napatawa din sya sa sinabing iyon ni Kihyun. Nginitian ko rin sya nang tingnan nya ako. Tumaas ang isang kilay nya at napailing lang ako. I still can’t believe that I’m dating this Sleeping Pills. Dating Hyungwon’s weird, I mean, ang weird ng mga trip nya. Though alam ko naman na yun dahil noon pa man ay ganon na talaga sya. Naninibago parin siguro ako lalo na kapag lumalabas kami at tinatawag nyang ‘date’ iyon. May kung anong kuryente sa sistema ko kapag naiisip ko ang mga ganitong bagay.



MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now